^

PSN Opinyon

Magulo na ang mundo ‘wag  na nating dagdagan pa!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NITONG mga nakaraang buwan, matindi ang pulitika.

Balikan natin, nagsimula ang lahat noong mademote at matanggal sa pagiging deputy speaker ng Kongreso si Cong. Gloria Macapagal Arroyo.

Kasabay nito, ang walang puknat na pangtutuligsa ni Sen. Risa Hontiveros sa milyones na confidential fund ni Vice President Sara Duterte. Naging matagumpay ang pambabakbak kay VP Sara. Tinanggalan ng Kongreso ng confidential funds ang tanggapan ng Vice President at DepEd.

Dahil sa isyu ng confidential fund, umalma si dating President Rodrigo Duterte. Nagbanta itong tatakbong senador o Vice President sa darating na eleksiyon. Naging­ free-for-all ang isyu sa mga kaalyansa’t kumokontra. Ka­alyansa ng pamilya Duterte laban sa mga kaalyansa ni House Speaker Martin Romualdez.

Nagpista ang mga armchair journalists (vloggers). Maging mga traditional at lehitimong mamamahayag sa kani-kanilang network sa isyu ng confidential fund.

Napukaw ang taumbayan hindi lang sa confidential fund kundi pati na rin sa dating pork barrel na ngayon ay extraordinary expenses fund ng mga congressman at senador. Nagkahamunan ang magkabilang panig. Ilantad ng mga pulitiko kung paano ginamit ang confidential fund maging ang mga pork barrel na ngayon ay extraordinary expenses fund ng mga congressman at senador.

Kasalukuyan, ni isa sa hanay ng kongreso at senado, walang lakas-loob na ipakita sa taumbayan kung paano ginagasta ang kanilang extraordinary expenses fund o pork barrel.

Nagkapikunan, naggantihan, naghamunan at nagsilipan­ pa ng mga pondo. Hindi lang sa pondo, bagkus sa prang­kisa dahil sa madadadang komentarista sa telebisyon ng SMNI. Below the belt na ang galawan ng mga pulitiko. Below­ the belt na rin ang pinagsasabi ng mga media kuno, ka­sama na rito ang vloggers sa social media.

Magulo na ang mundo dahil sa giyera sa Israel at Gaza. Sa Pilipinas, nabulaga tayo nitong Linggo sa pagbomba sa Mindanao State University. Nandiyan pa rin ang pambubully at pambabastos ng bansang China sa Pinas. Dumadami ang tribu ng mga trapo’t bully na pulitiko. Sa ngalan ng pork barrel.

Putres naman! Magulo na ang mundo,‘wag na nating dagdagan pa. ‘Yung mga nagbabalat-sibuyas na pulitiko riyan, bawal ang pikon. 

vuukle comment

DEPED

FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with