^

PSN Opinyon

Employed Pinoy Dumami

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ipinagmalaki ng National Economic and Development­ Authority (NEDA) na naragdagan ang bilang ng mga Pili­pinong may trabaho. Tinuran ng NEDA ang report ng Phi­lippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 4.4 per­cent ang unemployment rate noong Agosto na mas mababa sa naitala noong Hulyo na 4.8 porsiyento.

Noong araw, kapag may ganitong development, ang ibinabalita ay—nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho. Kaso, may mga nangungutya na nagsasabing “siguro nangamatay na sila sa gutom”. Mas maganda nga naman sa pandinig ang “dumami ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho.”

Ani NEDA chief Arsenio Balisacan, patunay ito na nagbu­­bunga ang pagsisikap ng Marcos administration na ma­ka­likha nang maraming trabaho para sa mga Pinoy.

Siyempre NEDA ang matutuwa dahil may kinalaman ang mataas sa employment rate sa ginagawa nitong pag­sisikap na mapasigla ang ekonomiya. Magandang progreso iyan pero may kulang pa. Bukod sa problema sa unem­ployment, mayroon ding suliranin sa underemployment.

Ibig sabihin ng underemployment ay may trabaho pero hindi sapat ang kinikita dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. Iyan ang katotohanang nangyayari ngayon. ‘Yung mga empleyadong maparaan, humahanap ng sideline para lumaki ang kita. Ngunit kailangan din ng pahinga ng lahat ng tao dahil kapag sumosobra sa trabaho ay baka magkasakit.

Hindi natin masisisi ang gobyerno dahil ang inflation ay problema ng buong mundo dahil sa mga sigalot tulad ng labanan ng Russia at Ukraine, at ngayon naman ay ang muling pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ang mahalaga, walang puknat ang pamahalaan para makahanap ng pinakamabisang solusyon sa problema.

vuukle comment

NEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with