^

PSN Opinyon

Maayos na transition para sa mga mamamayan ng embos

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Laman na naman tayo ng mga balita nitong nakaraang linggo­ dahil sa aking pagpunta sa Taguig Regional Trial Court. Per­sonal akong naghain ng “Urgent Motion for Clarification with Prayer for the Issuance of a Status Quo Ante Order” sa Branch 153 ng Regional Trial Court ng Taguig City para sa kasong may titulong “Municipality of Taguig (Now City of Taguig) v. Muni­cipality of Makati (Now City of Makati) et. al.”, Civil Case No. 63896.

Kasama sina City Administrator Claro Certeza at City Legal Officer Michael Camiña ay hiniling namin na maglabas ng status quo order ang korte laban sa Taguig City. Ayaw ko naman ng gulo, ang sa amin lamang ay gusto naming proteksyunan ang mga pag-aari ng Makati at proteksyunan ang mga taong na­iipit sa gulong ito. Gusto rin naming pigilan ang mga pagtatangka ng Taguig na sapilitang ipatupad ang naunang desisyon ng Korte Suprema nang walang writ of execution mula sa trial court.

Ipaliwanag ko lamang po sana ng kaunti. Ang status quo order ay kahalintulad ng isang cease-and-desist order. Ito po ay isang kautusan na panatilihin ang huling aktuwal na maayos at mapayapang kalagayan bago naglabas ng ruling ang Korte Suprema. Ang isang status quo order ay kinakailangan upang maisulong ang ikabubuti ng nakararami at maprotektahan ang kapakanan ng publiko. Sa ngayon ay puno ng pangamba at takot ang 300,000 residente dahil walang katiyakan kung ano ang mang­yayari sa kanila sa susunod na mga linggo at buwan. Hindi nila alam kung patuloy pa ba silang makakatanggap ng healthcare services sa mga barangay, o makakakuha ng gamot mula sa Planet Drugstore. Maaaring sa paningin ng iba ay maliit na bagay ang mga ito, ngunit para sa mga taong walang kakayanang magbayad ng pribadong duktor o bumili ng resetang gamot sa botika, literal pong buhay ang nakataya sa usaping ito.

Isama na rin po natin ang isyu ng safety at seguridad sa ating­ mga pasilidad. Nariyan ang tangkang pagpasok ng Taguig sa loob ng isang housing project na pag-aari ng Makati at sapilitang pag-angkin sa public school buildings at health centers sa 10 apektadong barangay. Hindi naman pwedeng basta na lamang ilagay ng Taguig ang batas sa sariling kamay at gawin ang gusto nang walang writ of execution na galing sa korte. Ang walang pakundangang pagtatangka ng Taguig na ipatupad ang SC decision ay lubhang nakakaapekto na sa taumbayan, at nagdudulot ng tensyon at kalituhan sa pagitan ng mga residente at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Paulit ulit po naming sinasabi na kinakailangan ng writ of execution dahil hindi tahasang ipinag-utos ng Korte Suprema bilang “immediately executory” ang alinmang bahagi ng kanilang desisyon. Bukod dito, hindi rin malinaw na nakasaad dito ang eksaktong mga hangganan ng parcels 3 at 4 sa Psu-2031. Sa pagsasampa ng apila sa Taguig RTC ay gusto nating sumunod sa tamang proseso ang kabilang partido. Isa-isahin ang dapat gawin at ilagay natin sa black and white ang mga usaping dapat ma-resolba at isyung dapat bigyan ng solusyon.

***

Naging happy at bongga ang World Teacher’s Day celebration dito sa Makati noong October 5. Tulad ng taunan nating selebrasyon, nagbigay-pugay tayo at pasasalamat sa mga guro para sa kanilang walang-sawa at walang-pagod na pagtuturo sa ating mga kabataan. Ngayong 2023 nga ay pak na pak na Fitness Kits ang ating ipinamigay. May 3,100 libreng Physical Wellness Kits para sa Makatizen Teachers ang naipamahagi namin ni Cong Luis sa San Jose Elementary School at Makati High School. Ang bawat kit ay naglalaman ng gym bag, jogging pants, jacket, rubber shoes, socks, tumbler, at smartwatch.

Lahat ng Makatizen teachers, kasama ang EMBO teachers­, ay bibigyan ni Mayora ng Physical Wellness Kit. Ito ay handog ng lungsod bilang pagkilala at pagpapasalamat sa kalidad na serbisyo na ibinibigay ng Makatizen teachers sa lahat ng mag-aaral ng Makati.

vuukle comment

LEGAL OFFICER MICHAEL CAMIñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with