^

PSN Opinyon

Stress, nerbiyos at ulcer

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Nerbiyos o hyperventilation syndrome – Mara­ming babae ang inaatake ng nerbiyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pamamanhid ng kamay, paa at labi. Minsan ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso.

Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan. Gawin ang mga sumusunod:

- Umupo sa tabi.

- Huminga nang mabagal at malalim.

- Uminom ng tubig.

- Kumain ng 1 saging, pampa-relax.

- Magdasal at tutulungan ka ng Diyos.

2. Ulcer o pangangasim ng sikmura – Huwag magpa­kagutom. Kumain nang madalas sa isang araw pero kaunti lang. Small, frequent meals.

Ang pag-inom ng tubig ng pakonti-konti sa buong araw ay maka­babawas ng asido sa sikmura.

Magbaon din ng saging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka at mga sitsirya.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with