^

PSN Opinyon

Magpapayat sa tamang paraan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Sa mga namamalengke, piliin ang mga karne na konti lang ang taba. Bago ito iluto, ihiwalay ang taba sa laman.

2. Mas healthy ang pag-ihaw at pag-steam ng pagkain kaysa pagprito. Puwedeng mag-ihaw ng karne o mag-steam ng mga gulay tulad ng talong, okra at talbos. Kung gusto ng healthy na sawsawan sa gulay, subukan ang suka, na naka­pagpapayat.

3. Sa paggamit naman ng mantika, konti lang ang ilagay. Tandaan natin na may calories ang mantika at puwede itong magpataas ng inyong kolesterol.

4. Sa pagtimpla ng pagkain, hinay-hinay lang sa paglagay ng asin. Ang asin ang kalaban ng mga may altapresyon at may sakit sa puso. Kapag sobra sa asin puwedeng mag-high blood at mamanas ang mga paa.

5. Kapag naghahanda ng pagkain, bumili ng maliit na plato. Ito ‘yung 9 inches na plato. Huwag bumili ng 12 inches. Kailangang masanay ang ating pag-iisip na konti lang ang iyong isasandok na pagkain.

6. At kung ano ang inilagay mo sa plato, iyon lang ang kainin. Bawal ang dukut-dukot o second serving. Huwag piliting ubusin ang tirang pagkain. Tataba kayo.

7. Bago mag-umpisang kumain, puwedeng uminom ng 1 basong tubig para mabusog ng kaunti. Puwede ring uminom ng clear soup. Kapag umiinom tayo ng mga likido, medyo nakukumbinsi natin ang ating utak na nabubusog na tayo.

8. Magbawas sa kanin. Kung dati ay dalawang cups ng kanin ang kinakain, gawin na lang 1 cup.

9. Dahan-dahanin ang pagpapapayat. Huwag gutumin ang sarili. Kumain ng pakonti-konti sa buong araw, tulad ng mansanas, saging o pandesal, para laging may laman ang inyong tiyan.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with