^

PSN Opinyon

Di lang FDA! Task force ang mag-imbestiga!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko naman nilalahat, pero ang nagpapakalat ng mga pekeng produkto, walang certificate of product regis­tration (CPR) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ay mga networking company. Unfiltered!

Matagal nang nagbabala ang BITAG sa publiko, ku­widaw sa mga binibili ninyo online! Baka mainom o ma­kain ninyo ang mga pekeng produkto na hindi pumasa sa FDA, malason o matigok kayo. Ang mga manufacturer at nasa likod ng mga pekeng produkto, gumagamit ng walang permiso ng mga mukha at pangalan ng mga kilalang doktor, artista at media personality para makapanloko.

Kamakailan, nagsalita si DOH Secretary Teodoro Herbosa, pinag-iingat ang publiko sa mga unregistered o fake product at mga fake endorser sa social media. Inatasan din niya ang FDA na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) para masawata ang mga fake celebrity endorsement na nag-a-advertise ng mga hindi rehistradong produkto sa social media.

Secretary Herbosa, mawalang-galang po. Sa halip po na utusan mo ang FDA, bumuo ka na lang ng task force. Magtulungan ang DOH, Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government at Department of Justice na may saklaw sa NBI. Ang DOH at FDA po kasi walang enforcement unit o mga operatiba. Entonses, hindi puwedeng mag-operate.

Tutal maepal naman si DILG Sec. Benhur Abalos, dito siya ngayon magpaepal. Tigilan na niya ang pakikialam sa Philippine Nationa Police. Isa-isahin at halughugin ang bawat address at lungga ng mga networking company sa bawat barangay, bayan, munisipyo at rehiyon.

Ito namang DTI, kilos pronto, ‘wag tutulug-tulog sa pan­sitan! Ipatawag ang pamunuan ng Shopee at Lazada na mga walang pakialam sa kanilang e-commerce platform na pinamumugaran ng mga dorobo. Saka manghihimasok ang DOJ-NBI para mag-imbestiga at may masampolan. Simple lang. Wala nang patumpik-tumpik pa!

Ngayon, kung hindi kaya ng DOH na makipagtulungan at bumuo ng task force laban sa mga pekeng produkto at pekeng endorser online, shut up ka na lang po Sec. Herbosa, idiretso mo na lang ‘yan sa DTI!

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with