^

PSN Opinyon

Mga pagkaing pampatulog  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PARA maging malusog ang ating katawan, kailangan natin ng sapat na tulog. Heto ang mga pagkaing makatutulong sa ating pagtulog:

1. Saging. Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpa­parelaks sa atin. Nababawasan din ang stress.

2. Kaunti lang ang kainin. Kumain lang ng kaunting kanin, gulay at isda. May kasabihan na, “No food intake after 6:00 p.m. or 7:00 p.m.”. Tama po ito. Gusto nating matunaw maigi ang pagkain bago kayo matulog. Mababawasan din ang sintomas ng hyperacidity at GERD (Gastro-esophageal Reflux Disease).

3. Kamote. Ang kamote ay may masustansiyang “complex carbo­hydrates.” Hindi ito gaano nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.

4. Oatmeal at cereals.

Sa gabi, puwede naman hindi magkanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oatmeal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na maka­tu­tulong sa pagtulog mo. Puwede mo lagyan ng saging at gatas na masustansya din.

5. Gatas. Tama ba ang pag-inom ng gatas para maka­tulog? Tama po. May basehan ito dahil ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpaparelaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.

6. Chamomile tea. Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinaparelaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma rin.

Huling Tip: Pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito’y para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas pa sa sakit tulad ng bangungot syndrome at mas hihimbing ang tulog.

vuukle comment

FOOD

TULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with