^

PSN Opinyon

Bakit payat ang anak ko?  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PARA sa mga magulang, ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa mga pediatricians, ang edad dalawa hanggang lima ay mga taon na pihikang kumain ang bata.

Pagtuntong sa edad lima ay gagana na silang kumain.

Alam ba ninyo na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa? Masustansya ito.

Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.”

Tingnan din ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mataba, puwede ring tumaba ang mga anak. Mana-mana po iyan.

Isa pa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan. Madalas bang sumakit ang tiyan ng bata o dumumi ba siya na may kasamang bulate?

Alam ninyo ba na anim sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan. Grabe talaga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor ay ipatse-check ang dumi sa laboratoryo. Kung positibo sa bulate, paiinumin ng pampapurga ang bata. 

Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan ding mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para hindi magkabulate.

Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata. 

Isa pa, huwag hayaang kumain ng junk foods o sitsirya ang bata. Maganda ring isama ang anak sa hapag kainan para masanay kumain.

Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana?

Alam ba ninyo, maraming pediatricians ang hindi naniniwala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina, ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinatawag na anti-stress vitamin.

At ang mahalaga kong payo, huwag kalilimutan na pabakunahan ang ating mga anak. Ito po ay hindi dagdag gastos kundi mabisang proteksyon para hindi magkasakit ang mga bata.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with