^

PSN Opinyon

‘Marites’ and ‘Tolits’ for community watch

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NABABAHALA raw ang mga pulitiko natin ngayon sa Kon­greso at Senado hinggil sa kanilang pansariling segu­ridad matapos mapatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo. 

Sino ba namang hindi mababahala sa pamamaraan at taktika ng pamamaslang na nakita ng publiko sa CCTV. Hindi natin sila masisisi sa kanilang mga pagkabahala, takot at walang katiyakan. 

Dahil sa kanilang mga isip, kung nagawa kay Degamo ang malagim na trahedya ay posibleng ganundin ang pama­maraan at taktika ng pamamaslang na gagawin sa kanila. 

Hindi lang mga pulitiko, kahit sinong mamamayan ay may karapatang mabahala at matakot. Subalit sa ngayon, hindi takot at pagkabahala ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating mga pulitiko.

Para naman kasi kayong bago sa pinasok niyong pro­pesyon at industriya. Tigilan na ang pagiging inosente at ignorante—this is Philippine politics.

Dapat bulabugin, yanigin n’yo ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kung ano ang kanilang magiging hakbang para maiwasan ang ganitong uri ng krimen. 

Hindi lang para maproteksiyunan kayo kundi ang publikong tinatawag niyong “Boss” n’yo.

Gusto n’yo ng tips?

Una, paigtingin ang inyong mga seguridad. Mga licensed security na namo-monitor ng PNP ang kunin n’yo. Ipagbawal ang pagbuo ng private army. Ang iba kasing pulitiko, nabuhay sa private army kaya minsan, ang mga kapwa private army din ang nagiging katunggali.

Ikalawa, paigtingin ang law and order sa inyong komunidad. ‘Yung mga pulis diyan na nasanay sa mga pulitikong mga galante — as in the highest bidder who can give a better security.

Pero ang iba sa kanila, highest bidder din kung sinong tatargetin at pa-project-in.  Dirty politics ang tawag dito. Only in the Philippines! 

Ikatlo, turuan ang komunidad na maging marites at tolits pagdating sa pagbabantay ng komunidad. 

Set up a community watch pababa sa neighborhood watches sa pamamagitan ng mga magagalang mata at makakating dila. Hindi ‘yung nabubuhay kayo sa tsismis at pagbabantay sa takbo ng buhay ng iba tulad ng mga artista, personalidad at pulitiko.

Usisain n’yo kung sino ang may mga private army at may mga banta. Alamin n’yo kung sino ang bagong lipat na kapitbahay sa mga subdivision at may mga private army. 

Kung sa araw tulog, sa gabi gumagala, aba magduda na kayo. Eto ‘yung mga dapat n’yong bantayan. Kaya nga community watch — ang ibig sabihin ay vigilance. 

Pagkakataon na ng mga “marites” at “tolits” sa inyong lugar na magamit ang kanilang abilidad para maging kapaki-pakinabang sa komunidad.

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with