^

PSN Opinyon

Nagresign pero walang resignation?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Unfiltered mukhang niloloko tayo ng mag-amang si Cong. Arnolfo­ “Arnie” Teves Jr. at Kurt Matthew Teves.

Nitong Lunes, nakaabot sa BITAG na simula ipa-presscon ang pagre-resign ni Kurt bilang Board Member ng Sanggunian, hindi pa pala ito nagpapasa ng “resignation letter.”

Kahapon ng madaling araw, Martes kinumpirma sa BITAG ni Vice Governor Edward Mark Macia na naglabas nga ang kanyang tanggapan ng isang announcement sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa announcement na pirmado mismo ni Vice Gov. Macia, nalulungkot sila sa insidenteng kinasangkutan­ ng batang Teves. Hindi umano nila kinukundena ang anu­mang karahasan na kinasasangkutan ng sinumang government official.

Bagama’t nagpa-presscon na ng pagbibitiw sa puwesto­, wala pa umanong pormal na pagbibitiw o resignation letter na ibinigay sa kanyang tanggapan si Kurt.

Kahapon, Miyerkules, muling nag-post si Vice Governor­ Macia sa kanyang Facebook. Ito ay ang resignation letter­ ni Kurt Matthew Teves dated March 23, 2022 subalit ang RECEIVED stamp sa tanggapan ng Sanggunian ay March 29, 2022, 1:35 p.m.

So Congressman Arnie Teves, resignation ba ang ipi­nag­mamalaki mo na highest form of statemanship? Kung hindi pa ipinalabas ng BITAG kahapon ng umaga ang isyung ito ay hindi pa siguro magpapasa ng resignation letter ang butangero mong anak.

Kakahamon at kakasayaw, akala mo siguro makakalimutan ng mga tao ang TOTOONG ISYU sa paghahamon mo. Huwag mong ilihis ang isyu Cong. Teves, hindi ako pumapatol sa mga ka-cheapan na pakulo mo.

Bago ang lahat, kumusta naman pala ‘yung hamon ko na ikaw, ako, ‘yung security guard at anak mo na magpa-polygraph at drug test tayong apat sa harap mismo ng media?

Hindi mo pa ako sinasagot eh gusto mo nang mag-guest sa katatawanang Battle of the YouTubers (BOYT)?

Para sa mga uto-uto lamang ‘yan na gustong pagpistahan ang kalokohan mo para makalimutan at malihis ang isyu ng pang-aabuso rito.

Siya nga pala, matapos kong mapanood ang video mo sa Tiktok ay nagkusa na akong imbitahan ka sa opisina ko para magtraining. Puwede kitang turuan ng ilang basic moves, hindi pang-zumba.

vuukle comment

ARNOLFO­ “ARNIE” TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with