^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May ‘pataynity’ na naman!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May �pataynity� na naman!

Mayroon na namang namatay dahil sa hazing sa fraternity. Namatay ang 18-anyos na si Reymart Madraso, 18, estudyante, residente ng Kala­yaan, Laguna noong Lunes. Mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ang nasa likod ng hazing kung saan bagong recruit na miyembro si Madrazo, Naganap ang hazing sa isang lugar sa Kalayaan. Dinala si Madrazo sa isang ospital sa Pakil, Laguna subalit patay na ito sa rami ng mga pasa at bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa kabila na mayroon nang batas — Republic­ Act 11053 (Anti-Hazing Law) na ipinasa noong 2018, nananatili pa rin ang hindi makataong pagpapahirap sa mga bagong miyembro ng fraternity. Sa ilalim, ng batas, mahigpit na pinagbabawal ang hazing at iba pang bayolenteng initiation rites ng fraternities, soro­rities at iba pang katulad na grupo. Makakasuhan din ang eskuwelahan, leader ng fraternities, magulang at maging ang may-ari ng lugar kung saan naganap ang hazing.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang hazing. Nagpapakita lamang ito na wala pa ring ngipin ang batas ukol sa hazing. Marami pa ring miyembro ng fraternity ang mistulang berdugo sa oras ng initiation.

Noong Pebrero 2021, namatay din ang 23-anyos na Criminology student na si Omer Despabiladera ng Solis Institue of Technology sa Bulan, Sorsogon. Namatay si Despabiladera dahil sa matinding pahirap ng mga miyembro ng Tau Gamma Fraternity. Ayon sa pulisya, mahigit 20 miyembro ng Tau Gamma ang sangkot sa pagpatay kay Despabiladera. Hindi na nalaman kung ano ang nangyari sa kasong ito.

Noong Setyembre 2017, namatay ang UST law stu­dent­ na si Horacio ‘‘Atio” Castillo sa kamay ng mga mi­­­­­­yem­bro ng Aegis Juris fraternity na kanyang kina­aani­­­ban. Siyam na miyembro naman ng fraternity ang kasalukuyang nakakulong dahil sa pagpatay kay Castillo.

May hazing din na nagaganap sa Philippine Military­ Academy (PMA) at Philippine National Police Aca­demy (PNPA). Noong 2019, namatay si Cadet 3rd Class George Carl Magsayo nang suntukin sa sikmura ng isang Cadet 2nd Class. Namilipit sa sakit si Magsayo kaya isinugod sa isang ospital sa Sta. Rosa, Laguna subalit patay na nang idating doon.

Ang kawalan ng ngipin ng Anti-Hazing Law ang dahilan kung bakit patuloy na nangyayari o paulit-ulit na lamang ang hindi makataong pagpapahirap na na­­uuwi sa kamatayan. Hindi natatakot ang mga mi­yem­bro ng fraternity kaya walang katapusan ang “pataynity’’.

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with