^

PSN Opinyon

Mabisang paraan para mabawasan ang stress ­

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung ang inyong buhay ay masyado nang kumpli­kado, gumawa ng mga paraan para maging simple. Narito ang mga paraan para mabawasan at makontrol ang stress.

1. Ihiwalay ang malaking gawain sa mas maliit na gawain. Kung ang inyong mga gawain ay masyadong marami hatiin ito sa maliliit na gawain at gawin ito ng paisa-isa. Panatilihin na nakatuon ang isip sa mga gawain na ginagawa sa halip na isipin ang mga susunod pang mga gawain.

2. Matutong tumanggi. Kung nakararamdam ng sob­rang tuwa sa inyong personal at propesyonal na respon­si­bi­­lidad, subukan na umurong at pag-isipan ng mabuti kung ano ang aalisin.

3. Magkaroon ng maikling pahinga habang nagta­trabaho. Tumayo sa iyong lamesa at mag-unat, o gamitin ang iyong lunch break para maglakad sa park.

4. Palitan ang inyong araw-araw na pressure ng physical na gawain. Ang healthy lifestyle ay ang iyong mabuting depensa panlaban sa stress. Sundin ang ba­lanced diet, limitahan ang pag-inom ng kape at alak at kumuha ng sapat na tulog.

5. Ibahagi ang iyong nararamdaman. Makipag-usap sa inyong matalik na kaibigan o miyembro ng pamilya, ang mga malulungkot na tao ay mas nakararanas ng stress at hindi malusog na pangangatawan.

6. Subukan ang meditation. Ang meditation ay nag­papataas ng immune function, nakabababa ng pangamba, at tumutulong na mas makaisip na mga kapaki-pakinabang na bagay.

7. Gawing sentro ang iyong sarili. Sa halip na buma­ngon agad sa kama, isipin ang mga bagay na mayroon ka o mga dapat na ipagpasalamat, o kaya naman ay mag­basa ng maaaring makapagpa-inspire sa iyo na kung ano ang kabuluhan ng buhay.

8. Bigyang-diin ang pagkakaroon ng payapang isip. Kung nawala sa iyo ang kapayapaan ng isip, gumawa ng paraan na maibalik ito. Mag-meditate, tawagan ang ilang kaibigan o kaya naman ay maglakad ng 30 minuto. Maibabalik mo ang iyong lakas at pagkatapos ay makapagtatrabaho ka na ng mas epektibo.

9. Subukan ang iba’t ibang paraan para malaman kung ano ang mas babagay sa iyo. Gumawa ng mga bagay, o kahit na anong bagay na makapagpapalibang sa iyo at makatatanggal ng stress.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with