^

PSN Opinyon

Nagkakagatan na ang mga ambisyosong pulitiko

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HABANG papalapit ang eleksyon 2022 naglalabasan na ang iringan sa bawat kampo ng mga pulitiko, ito ang dahilan kung bakit humihina kadalasan ang partido ng bawat kandidato. Nagkakagatan na ang mga ambisyosong pulitiko para makakuha ng matibay na sasandalan. Subalit marami pa rin sa mga pulitiko ang handang ma­ni­ndigan sa kanilang lider at iyan ay upang isulong ang suporta sa partido.

Katulad na lamang sa nagaganap ngayon na intrigahan kay Sen. Manny “Pacman” Pacquiao mga suki. Si Pacman ang manok ng malaking bilang ng mga card-bearing at grassroots members ng PDP-Laban Bulacan chapter para maging party president. Kasabay ito nang pagtatatwa nila sa isang manifesto na nilagdaan ng tinagurian nilang ten-man wrecking crew na may layuning pahinain ang top leadership ng PDP-Laban.

Sa manifesto na nilagdaan ng daan-daang long-time at card-bearing PDP-Laban Bulacan members, tinuligsa nila ang katatapos na pahayag ng ilan nilang miyembro, gayundin ang kawalan nito ng tamang koordinasyon sa party body. Sinabi ng mga signatories na hindi sila inimbita sa pulong na siya anilang nagresulta sa pagbuo ng manifesto na nagpapahayag ng matinding pagtutol sa sinasabing critical stance ni Pacman laban sa posisyon ni President Duterte sa isyu ng West Philippine Sea.

Minaliit din nila ang katayuan ng mga kritiko ni Pacman bilang newcomers sa partido. Iniintriga si Pacman, siguro ay may ibang manok ang ilang PDP LABAN. “We were not invited to any such meeting and no quorum was met for them to allude that the whole chapter is behind their statement. The said meeting was composed mostly of rela­tively new members who are either politically appointed officials or politicians, not the grassroots members that compose majority of our beloved party,” anang manifesto. 

“It is extremely reckless for this minority to make wild accusations without having viewed the whole interview of Senator Manny Pacquiao in its entirety. After having viewed the interview in its entirety, it was clear that Senator Pacquiao was even defending the President. The Senator even expressed his wish that the President revert to his firmer stance during the campaign,” bahagi pa ng manifesto.

Muli rin namang tiniyak ng grupo ang kanilang all-out support kay Pacman bilang party president. Panawagan pa nila sa mga detractors na makipagtulungan at magbigay ng mga mungkahi para sa ikahuhusay ng partido at ng bansa.

Nanawagan din sila kay Pacman sa pamamagitan ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, na magsagawa ng internal investigation laban sa 10 minority PDP-Laban members dahil sa umano’y seryosong paglabag ng mga ito sa umiiral na party protocols at iba pang aksiyon na taliwas sa interes ng partido.  Hinikayat din nila si Pacman na ipagpatuloy ang kanyang good stewardship sa partido. 

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with