^

PSN Opinyon

Pinoy sa India ililikas,‘wag isama ang virus

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tumitindi ang kaso ng COVID-19 sa India. Nakita natin sa mga larawan at video ang dami ng mga namamatay na ang mga bangkay ay sinusunog na lang sa mismong mga lansangan.

Ang dilemma ngayon ay kung papaano ililikas ang libu-libong mga Pilipinong naninirahan sa India. Hindi naman sila puwedeng pabayaan na lang doon at maisama sa mga mamamatay dahil sa karamdaman.

Ngunit kung sila ay pababalikin sa Pilipinas, malamang ay dalhin nila ang bagong mas nakamamatay na variant ng sakit at ikalat sa ating bansa. Mas mahirap naman kung ang Pilipinas ay sasalantain ng nakamamatay na virus at makatulad tayo ng India. Ngunit kung ang balak ay ilipat lang sila sa mga bansang hindi masyadong laga­nap ang sakit, mayroon kayang bansang tatanggap sa kanila?

Iyan ang bagay na palaisipan sa Inter-Agency Task Force (IATF) na sa ngayo’y bumubuo na ng plano ng eva­cuation sa mga kababayan nating Pilipino na naninirahan sa nasabing bansa. May ilan nang Pilipinong iniulat na dina­puan na rin ng sakit sa naturang bansa.

Sa ngayon, nagpatupad na ng travel ban ang Pili­pinas sa India at mga karatig na bansa nito tulad ng Pakistan at Bangladesh, Nepal at Sri Lanka. Hanggang May 14 ang travel ban na ito. Sa palagay ko dapat pa itong palawigin dahil kung hindi, nanganganib ang bansa na mapasukan ng higit na mapanganib na virus.

Nagsisimula na namang humupa ang kaso ng CO­VID sa bansa at baka magbalik na naman tayo sa square one kung hindi tayo gagawa ng ibayong pag-iingat.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with