^

PSN Opinyon

Mamamayan, maging alerto sa pondo ng LGUs

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Pinalawig ni Pres. Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pag-issue ng Proclamation No. 1021 — extending the state of calamity from September 13, 2020 to September 12, 2021, “unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant.”

Ito ay sa kadahilanan na patuloy ang pagkalat ng COVID-19 — “As the COVID-19 virus continues to threaten the public’s health and safety, it is imperative that we continue to remain vigilant and focused on preventing a bigger outbreak as well as addressing the urgent needs facing our people,” sabi ni Sen. Bong Go na suportado ang extension  ng state of calamity sa bansa simula Set-yembre 13, 2020 hanggang Setyembre 12, 2021.

Ito ay upang matugunan ang pangangailangang mahinto ang pagkalat ng COVID-19.

Ang declaration ng state of calamity ay kinakailangan upang magamit ang calamity funds kapwa ng natio-nal government at ng local  governments.

Ngayon, heto ang siste — dapat din talagang bantayan ng lahat ang pondo hindi lang ng national government ngunit lalo na rin sa local governments na kung saan naging rampant ng overpricing o graft and corruption cases sa pamimili ng mga pangangailangan ng panlaban sa COVID-19.

May mga balita na talamak ang pagbili ng mga pa-ngangailangan laban sa COVID-19 sa halagang sobra 100 percent ang tubo at kumita nga ang mga local official.

Sana naman ngayon na aprubado na ang Bayanihan We Heal As One Act 2, ay maging mapagmatyag ang mamamayan, lalo na sa kanayunan sa katimugang bahagi ng Pilipinas at nang maiwasan ang pagbili ng overpriced  na materials.

Sa ating mga opisyales, sana makonsensiya naman kayo at isipin  na kayo rin ay hindi immune sa COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with