^

PSN Opinyon

Mama ko si Ate

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

NANG umapela ang mag-asawa sa Supreme Court, isi-nantabi nito ang desisyon ng JDRC at pinagbigyan ang petisyon ng pag-ampon kay Angelo. Ayon sa SC, walang batas na nagbabawal sa magkadugo o magkarelasyon na mag-ampon sa isa’t isa. Ang sinasaad lang daw ng Art. 335 ng Civil Code ay ang mga taong hindi maaaring mag-ampon at hindi kasama ang mag-asawa sa pinagbabawalan.

Ang mga sumusunod lang ang hindi puwedeng umampon: (1) ang may lehitimo o ilehitimong anak pati ang kumilala sa anak niya sa labas o bastardong anak sa legal na paraan; (2) ang guardian sa kanyang alaga bago aprubahan ang kuwenta ng lahat ng ginastos; (3) isang taong kasal lalo at hindi pumayag ang kanyang asawa; (4) mga banyagang hindi residente ng Pilipinas; (5) mga banyagang residente ng Pilipinas pero ang bansa nila ay nakipagkalas na sa usa-ping diplomatiko sa ating bansa at (6) taong nahatulan na sa krimen na may kinalaman sa tinatawag na moral turpitude at nakulong sa loob ng anim na buwan o higit pa.

Sa Art. 338 ng Civil Code naman ay tinatanggal ang lahat ng pagdududa tungkol sa pagbabawal sa pag-ampon lalo at nagkaroon na sila ng relasyon bilang magulang at anak. Hindi nito pinagbabawal ang pag-ampon sa pagitan ng magkakamag-anak kahit na gaano pa kalayo o kahit ano pa ang klase ng relasyon nila sa isa’t isa. Hindi kasi ito ang layunin ng batas. Ang importanteng ikonsidera ay ang interes at kapakanan ng bata.

Malinaw na walang batas na nagbabawal sa pag-ampon sa pagitan ng magkamag-anak. At hindi sila dapat pagbawalan na mag-ampon dahil lang dito. (In the matter of adoption of Edwin Villa, Luis E. Santos Jr., and Edipola V. Santos vs. Republic, G.R. L-22523, September 28, 1967).

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with