^

PSN Opinyon

Si Speaker Cayetano at ang Kongreso

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAGULAT ang pinapakitang sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano, dahil siksik at punung-puno ng good vibes ngayon ang kongreso dahil sa average na  247 ‘record high attendance’ ng mga solons sa sesyon ng kamara.

Sabi nga, ngayon lang nangyari ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang record-high attendance na ito ay na­itala sa loob ng 18 na session days na ginawa mula Hul­yo 22 hanggang September 10, ito ay batay sa opisyal na record ng House Committee on Rules. Ibig sabihin nito, matindi ang dedikasyon, disiplina at kasipagan ang ginagawa ngayon ng mga kongresista.

Maging si House De-puty Speaker Neptali Gonzales ay napahanga sa ipinapakitang dedikasyon ng mga kapwa kongresista na gampanan ang kanilang legislative duties para masiguro ang hanga­rin ni Digong na ligtas at komportableng buhay para sa madlang Pinoy.

Ibinida ni Gonzales,  matagal na siyang nagsil­bi bilang kongresista at na-ging Majority Floor Leader na rin ng kamara pero nga-yon lang daw ito nangyari na mataas ang average ng attendance ng mga kongresista sa sesyon. Kung dati, extended vacation ang mga kongresista kapag nasa-sandwich ang mga holidays,

Matatandaang 266 na kongresista ang dumalo sa sesyon noong August 13,  matapos ang Eid al-Adha Day, at 259 naman ang nasa sesyon noong  August 27, matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa ngayon, patuloy na ang deliberasyon sa 2020 National Budget sa plenaryo natapos itong maaprubahan sa commitee level noong September 6. Kaya naman asahan na ng taumbayan na makakalusot ang pambansang badyet sa kamara bago ang October 4.

Kaya malaki ang pasasalamat ni Gonzales sa liderato ni Cayetano dahil sa pagiging hands-on speaker nito at pagsiguro na mahawakan ng mga kwalipikadong kongresista ang mga mahahalaga at malalaking komite upang masiguro na maayos ang takbo at proseso ng pagdinig ng mga ito.

Sabi ni Gonzales, kailangang kayod kalabaw ang gawin ng mga kongresista upang maisabatas ang mga priority bills ni Boss Digong at hindi na muling magkaroon ng aber­ya sa pag-aapruba ng pambansang badyet.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

* * *

Si ‘Bato’ at ang Makabayan bloc partylist

BINATIKOS ng Gabrie­la si Senator ‘Bato’ dela Rosa dahil sa red-tagging ng Makabayan bloc partylist sa kabila ng mga kakula-ngan ng matibay na ebidensiya at sa gitna ng kaniyang halatang implikasyon sa mga pagpalabas ng mga convicted killers at rapists.

Isang malaking kalo- kohan na ipatanggal sa Come­lec ang aming pag­paparehistro, dahil luma­lampas si Bato sa hangganan ng kanyang mandato bilang senador at mahalay na lumalabag sa kasarinlan ng poll body.

Sabi nga, sobra na!

Ito anila ay kitang-kita na siya ay gumagamit ng kanyang posisyon para i-single out at i-red tag progressives sa halip na gumawa siya ng mga ma-kabuluhang batas.

Pinaaalalahanan namin si Dela Rosa upang maliwanagan ang publiko tungkol sa kanyang papel de liha este mali sa pagpapalabas pala ng mga convicted rapists at mga kriminal bilang dating Bureau of Corrections chief sa halip na ibinabato kami ng mga walang batayan at dangerous claims laban sa Makabayan at progre-sibong mga grupo.

 

vuukle comment

CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with