^

PSN Opinyon

Pambu-bully ng China

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAGKALAWAK-LAWAK ng karagatan, mababangga pa ang barkong naka-angkla. Hindi ba sinadya iyon? Hindi nga ako makapaniwala sa aking nabasa. Isang barkong pa­ngisda ng Pilipinas na nakaangkla sa Recto Bank ang binangga ng barkong pangisda ng China noong Linggo ng gabi. Ang masama, iniwan ng Chinese vessel ang 22 ma­ngingisdang Pilipino nang lumubog ang kanilang barko. Barkong pangisda ng Vietnam ang sumagip sa kanila. Mabuti na lang at walang namatay.  

Naging mabilis ang pagkondena sa insidente, partikular mula kay Defense Sec. Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin. Ayon kay Lorenzana, ipinakita lang daw ng mga mangingisdang Chinese ang karuwagan. Ka­ilangang i-protesta nang husto ang insidente. Hindi raw aksiyon ng kaibigan na bansa iyan. Talaga! Binangga na nga, iniwan pa para malunod? At anong dahilan? Para iparamdam sa atin na pag-aari ng China ang karagatan, kahit napakalapit na sa Pilipinas ng Recto Bank?

Wala silang dahilan para banggain ang barko, kahit gabi pa iyon. Sigurado may mga ilaw ang barko kapag nasa laot. Wala rin silang dahilan para iwanan ang mga mangingisdang nasa tubig na. Kahit mga magkaaway noong World War 2 ay sumasagip ng mga kalaban kapag lumubog na ang barko ng kalaban. Iba na talaga ang insidenteng ito.  

Ano pa ang masasabi natin sa kinakaibigang bansa ng administrasyong ito? Ano pa ba ang maaasahan natin sa asal ng China? May magtatanggol pa kaya sa ginawa nila? Kasalanan ng barkong Pilipino dahil hindi umiwas? Sabihin na nating aksidente. Bakit sila iniwan na lang para malunod? Sinong Pilipino ang hindi magagalit diyan? Naisip ko rin na kung 22 ang tauhan ng barko, medyo malaki na iyan. Binangga kaya dahil mas maraming mahahango ang barko kumpara sa mga maliliit na barko?

Nagpapasalamat tayo sa barko mula Vietnam sa pagsagip sa ating mga kababayan. Patunay na magkasangga ang Pilipinas at Vietnam kontra sa pambu-bully ng China. Hindi pa nakakausap ang mga mangingisda mismo. Mas magiging malinaw ang pangyayari kapag makapanayam na sila. Sa Araw ng Kalayaan pa natin nabalitaan ang nakakahiyang ginawa ng China. Parang insulto.

vuukle comment

CHINA

DELFIN LORENZANA

TEODORO LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with