^

PSN Opinyon

Mangampanya kaya sa Davao City ang LP, Otso Diretso?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

 ITO ang tanong ko kasi nga mula noong 2016 presidential elections ay hindi na napagawi upang mangampanya rito sa Davao City ang Liberal Party at hinihintay ko rin na dumating dito ang mga kandidato ng oposisyon na Otso Diretso bago matapos ang campaign period para sa 2019 midterm polls.

Huling pumunta rito sa Davao CIty ang Liberal Party noong 2010 kung saan kinampanya ni President Duterte, na noon ay mayor pa, ang kandidatura ni Noynoy Aquino III sa pagka-Presidente. Sinundan ito noong 2013 na kung saan tumulong din si Duterte para sa mga LP senatorial candidates dahil nga hiningi ni Noynoy. 

Ngunit nang tumakbong Presidente si Duterte noong 2016 presidential polls, wala nang LP o maging ang ibang political parties na nangahas na magkaroon ng rallies o kampanya dito sa Davao CIty.

Naalala ko pa ang sagot ng isang kaibigan na isa sa mga head ng PR ng LP nang tinanong ko  kung kailan sila pupuntang Davao City upang mangampanya.

“Bakit? May makukuha pa ba kaming boto riyan sa Davao?” talagang tumatak sa utak ko ang sagot ni “Z” sa tanong ko.

Kaya nga yun pa rin ang tanong ko ngayon sa Otso Diretso ng LP, kung mangangampanya pa ba sila rito na aminin na-ting baluarte talaga ng mga Duterte.

Ang alam ko ang nanay ni Bam Aquino ang umiikot sa iba’t ibang lugar dito upang ikampanya ang anak niya na tumatakbo bilang re-electionist senator.

Taliwas naman ito sa mga kandidato ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) at ng Hugpong ng Pagbabago, kasali na si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, na sinuyod na ang buong Pilipinas upang mangampanya. 

May isang buwan na lang bago ang midterm elections--- kaabang-abang.

vuukle comment

LIBERAL PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with