^

PSN Opinyon

‘Traffic Czar’ ang kailangan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako sa sinabi ni President Digong na may mga problema ng bansa na siyang nasosolusyonan at mga batas na pinirmahan na magpapagaan sa buhay­ nating­ mga Pinoy. Nakita naman natin ang tunay na kagan­­dahan ng Boracay ngayon na nakakapang-akit pa ng maraming turista. Marami pang inaasintang linisin dahil sa pambababoy ng ilang negosyante. At ang nakakasulasok na Manila Bay, abutin man ‘yan ng pito o walong taong linisin at least naumpisahan na. Ito ang gusto ko kay Digong kahit sinong masagasaan ay wala siyang paki­alam. Natameme ang mga negosyante sa paligid ng Ma­nila Bay nang maipasara kunsabagay kasalanan din naman­ nila kasi ginawa namang poso negro ang dagat na dapat ay pinagliliguan at pinagkukunan ng yamang tubig.

At dito kambyo si Digong sa traffic lalo na rito sa Metro Manila. Tama nga sigurong bigyan siya ng emergency po­wers para maibsan ang araw-araw na nararanasang traffic. Hindi mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga sasakyan pero ang ating mga kalsada ay limitado pa rin. Suportado ko ang emergency powers ni Digong baka matauhan na rito ang mga motorista. Alam n’yo bang tayo mismo ang nagpapahirap sa sitwasyon. Kung pinagagana ba naman natin ang disiplina sa ating mga sarili ay hindi sana tayo nakararanas ng matinding traffic.

Ako mismo ay nakakaingkuwentro sa daan ng mga bala­subas na motorista. Walang ginawa kundi sumingit-singit sa mga sasakyan siguro nagmamadali eh paano naman kung sa kasisingit ay makabunggo at diyan nag-uumpisa ang away. Ang nakakatakot pa nito kung parehong may baril. Maraming pangyayaring nagbarilan dahil sa away sa daan.

Kailangan ding mabigyan ng leksiyon ang mga kotongerong nagpapatupad ng batas trapiko. Paano madidisiplina ang mga gagong motorista kung mismong humuhuli ay natatapalan ng pera.

vuukle comment

BORACAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with