^

PSN Opinyon

Nananahimik na, nadamay pa

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

MAPAPASABAK ang Committee on Ethics ng mababang­ kapulungan sa pumutok na mga video starring nitong sikat ngayong kongresista ng party-list. Hindi ko na papangalanan ang pobre. Hindi naman maitatatwa ang kanyang mga ikinilos nang siya’y makunan ng video. Ka­ilangan pa bang ipaliwanag sa bansang nakasaksi kung ano ang hindi tama sa kanyang mga nagawa?

 Masyado nang madalas nangyayari ang ganitong­ mga eksena. Nabubuko sa lipunan ang hindi magandang­ ugali ng ating mga opisyal ng pamahalaan. Para bang nalilimutan nila na kaya sila nasa puwesto ay upang mapagsilbihan ang kanilang kapwa. Kaya nga lingkod bayan na naturingan. 

 Madalas, ang ugat ng ganitong masangsang na ugali ay ang mga pribilehiyong nakakabit sa posisyong hinaha­wakan. Kung tutuusin, wala dapat na special treatment ang ating mga opisyal. At marami sa kanila ang nahihiya talagang samantalahin ang kanilang puwesto. Subalit hindi pa rin matanggal ang pangilan-ngilan na paniwalang- pani­wala na may kaakibat na kakaibang karapatan ang pagiging lingkod bayan.

 Ito na nga ang dahilan kung bakit nilinaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong kanyang inaguras­yon na walang wangwang sa kanyang administrasyon. Ibig sabihin, walang lamangan. Lahat ay pantay. Subalit papaano mapangangatawanan ang ganitong hangarin kapag, tulad ng napanood natin sa video ng Kongresista sa airport, may mga pribilehiyong sinusumbat ang mga ilan upang maisahan ang pangkalahatan? NAIA Special Pass, Protocol Plates, I.D. dito, I.D. doon; libreng ganito, libreng ganun. Maraming benepisyo ang mapapasaiyo kapag ika’y nasali sa pamahalaan.

 Sa dati nating pag-unawa, isang marangal na pro­pesyon ang pagiging kawani ng pamahalaan. Marami pa rin sa ating mga naninilbihan ang napapangatawanan ang ganitong adhikain. Sayang lang at, dahil sa kakulangan ng pagsaalang-alang ng ilan sa kanilang katungkulang sinumpaan, maging ang mayoryang nananahimik at sumusunod sa patakaran ay sira rin ang pangalan.  

 * * *

Happy birthday sa aking kapatid, Congressman Edward V.P. Maceda ng Manila.

vuukle comment

COMMITTEE ON ETHICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with