^

PSN Opinyon

Trahedyang double whammy

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HALOS dalawang araw lang ang pagitan ay magkasunod­ na killer landslide ang nangyari na ikinamatay ng marami nating kababayan. Nauna ang sa Itogon, Benguet na sinundan ng naganap sa Naga City, Cebu. Iisa ang dahi­lan, humina na ang lupa bunga ng illegal na pagmi­mina at quarrying.

Anang Malacañang, lalung nagalit si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyaring landslide sa Naga City sa Cebu kung saan mahigit dalawampu katao ang nasawi at may apatnapu pa ang nawawala.

Taun-taon ay nangyayari ang ganyang trahedya pero ngayon lang nangyari na dalawang magkasunod ang naganap na pawang ikinamatay ng napakaraming­ taong umaasa sa pagmimina. Hindi pa man kasi nakababangon­ sa “killer landslide” sa Itogon, Benguet ang ating bansa ay sumunod ang isa na namang katulad na trahedya sa Cebu. Matagal nang problema ang pagmimina. Legal man o illegal, masama ang pangkalahatang epekto nito dahil ang mga nasa industriya ay sinaklot ng pagkagahaman at hindi na sumusunod sa mga itinakdang regulasyon sa pangangalaga ng mga minahan. At sa mga nagdaang administrasyon, pinabayaan ng pamahalaan ang situwasyon dahil walang patumangga ito sa pagbibigay ng mining permit sa mga kompanya ng pagmimina.

Nangyari iyan dahil may batas na nagpapahintulot sa mining. Kailangan na ngayon ang isang di matitinag na political will para pawalang bisa ang batas na iyan dahil kaligtasan na ng buong bansa ang nakataya. Tingin ko naman, batay sa pananalita ng Pangulo, mayroon siya nang ganyang political will.

Hindi na tayo dapat magpatangay sa pagpapaikot sa atin ng mga dayuhang minero. Siyempre, may mga kaba­bayan tayong umaasa sa industri­yang iyan, pero naniniwala ako na mas mahalaga ang kaligtasan ng taumbayan kaysa kabuhayan na puwedeng hanapin sa ibang paraan.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with