^

PSN Opinyon

Amyendahan ang BP 344

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses ko nang nakita ito. May sasak-yang nakaparada sa lugar ng mga taong may kapansanan o PWD. Tapos ay matataon na pabalik na ang may-ari ng sasakyan, pero wala namang kapansanan. Walang nakatungkod, walang naka-wheelchair, walang iika-ika, walang inaakay. Sasakay na lang, aalis. Kapag tinanong ang guwardiya kung bakit pinayagang pumarada roon, sasabihin na sandali lang daw pero nagtagal, o kaya’y magpapakilalang opisyal ng gobyerno o pulis, o kaya ay magagalit at aawayin pa ang guwardiya. Ano ang silbi ng mga parking para sa PWD kung hindi ipa­tutupad ito?

Ito ang reklamo sa akin ng ilang may kapansanan. Dadating sa mga mall at makikitang punumpuno ang parking area, pati ang para sa PWD. Tapos wala naman palang kapansanan ang naka-park. Wala pa ka-sing mahigpit na batas na nagbabawal sa mga hindi PWD na pumarada sa mga lugar na nakatakda para sa kanila. Ganunman, dapat ipinatutupad ng mga security ng mga mall. Kapag may pasa­way o palaban pa, tawagin ang pulis para sila ang harapin.

Ang Batas Pambansa 344 na ipinasa noong 1982 ay hindi malinaw tungkol sa mga hindi sumusunod sa paradahan na nakatakda para sa mga PWD, kaya dapat amyendahan ito. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit may mga walang galang sa mga PWD. Wala kasing parusa.

Dapat ay mga lokal na pamahalaan ang magpasa ng ordinansa na maghihigpit sa pagsunod sa mga parada­hang nakatakda sa PWD. Dapat mabigat ang multa, bukod sa kulong. At dito magagamit ang social media. Kung may makitang pumarada sa mga lugar ng PWD pero wala naman kapansanan, ilabas sa social media para mapansin ng mga awtoridad.  

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with