^

PSN Opinyon

Lumang jeepneys saan itatambak?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DAPAT nang i-phaseout ang jeepneys. Hindi na ito makakapasa sa modernong pamantayan ng sasakyang­ pan­lupa. Mausok, maingay, at mapanganib ang jeepneys. Reconditioned lang ang makinang diesel; walang noise muffling, at mali ang sakayan sa hulihan. Hindi uubra sa Euro-4 standards. Pinsala sa kalusugan, kalikasan, at kaligtasan.

Pero saan dadalhin ang jeepneys na hindi na nirere­histro dahil bagsak sa emission tests? Hindi ito puwedeng ibenta para pampribadong gamit. Kung mausok, maingay, at mapanganib sila bilang pampubliko, gay’un din kung pampamilya. Hindi rin maari i-cannibalize para pambangka ang motor. Sa dagat naman mag-iingay at magdudumi.

Ituring na dapat na junk ang jeepneys. Kakalasin ang mga parte nito para i-recycle. Ang mga bakal ay lulusawin para gawing ibang makina, reinforcement bars, at kagamitan. Ang mga piyesang plastic, kahoy, fiberglass, at salamin ay ihanap ng bagong paggagamitan. Mara­ming imbentor at kompanya na mangangailangan.

Hindi lang jeepneys kundi lahat ng kasalukuyang sasakyang panlupa ang malapit nang maging junk. Nauuso ang battery-powered vehicles. I-plug lang sa electrical outlet magdamag, tapos buong araw na aandar. Hindi na gagamit ng gasolina na nakakawasak ng kalikasan at kalusugan. Booster ng baterya ang solar panels at sari­ling momentum habang umaandar ang sasakyan.

Nag-anunsiyo na halos lahat ng pabrika ng sasakyan sa Europe na simula nitong 2018 karamiha’y hybrid -- gaso­lina, baterya, solar -- ang makina. Sa 2022-2025 lahat ay baterya at solar na. Malalaos na ang mga sasakyang naki­kita sa kalye sa kasalukuyan.

Tiyak magbabago rin sa baterya’t solar ang America, Japan, Korea, at China. Kasabay nu’n huhusay ang mass transit at ride hailing (Grab, Uber, at iba pa) na de-baterya’t solar -- at wala nang driver. Ipagbabawal ng buong mundo ang mga mauusok, maiingay, mapanganib.

vuukle comment

JEEPNEYS

PHASEOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with