^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bilisan, pagresolba sa problemang pabahay

Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang walang sariling bahay at lupa sa bansang ito. Patunay ang maraming iskuwater na nagsulputan sa maraming lugar sa Metro Manila. Maski ang mga estero ay tinatayuan ng barung-barong. Huwag lang malingat ang may-ari ng isang bakanteng lupa, ookupahin na ng mga informal settlers­ at hindi na mapapaalis ang mga ito. Hindi lamang sa Metro Manila problema ang walang sariling bahay kundi pati na rin sa probinsiya. Nang mana­lasa ang bagyong Yolanda sa Eastern Samar at iba pang probinsiya sa Visaya, maraming nawalan ng bahay at lumaki ang problema sa pabahay. Kamakailan lang, nagkaroon ng mga bahay ang na­ging biktima ng Yolanda. Ipinag-utos ni President Rodrigo­ Duterte ang pagpapabilis sa paggawa ng mga bahay at ipagkaloob ito sa mga biktima ng bagyo. Maaari naman palang bilisan ang proseso sa pagkakaloob ng mga bahay bakit hindi agad ginawa noon. Naghintay pa ng ilang taon bago naipagkaloob sa mga biktima ng bagyo.

Ang nangyayaring kaguluhan sa housing pro­jects sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan ay isang problema na dapat din namang pagtuunan ng pamahalaan. Inokupa ng may 5,000 katao na kabilang sa grupong Kadamay ang mga bakanteng bahay sa Pandi at San Jose del Monte noong nakaraang linggo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin sila umaalis sa kabila ng pakiusap ng National Housing Authority (NHA) na lisanin ang mga bahay sapagkat mayroon nang mga may-ari ang mga iyon. May prosesong ginagawa bago makapag-may-ari ng bahay sa lugar.

Nagmatigas ang mga miyembro ng Kadamay at sinabing hindi sila aalis, kahit anong mangyari. Ayon sa kanila, nakatiwangwang lamang ang mga bahay at walang ginagawa ang pamahalaan para ipamahagi ang mga ito kaya inokupa nila. Nagtungo na rin daw sila sa Malacañang noong nakaraang Dis­yembre 2016 at pinanawagan ang kanilang hiling­ na ipamahagi na ang mga bahay pero wala raw aksiyon­.

Bagama’t mali ang inakto ng Kadamay na basta­ na lamang inokupa ang mga bahay sa Bulacan, dapat namang gumawa agad ng aksiyon ang pamahalaan para malutas ang problema sa pabahay. Hindi dapat ipagwalambahala ang problema ng mga walang sariling tahanan.

vuukle comment

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with