^

PSN Opinyon

Kamandag ng drug syndicate

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKITA natin kung gaano katindi ang kamandag ng sindikato ng droga sa nangyaring pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na pinaghihinalaang isang drug Lord, kahit siya ay nasa loob ng piitan.

Marami kasing ikakanta ang Mayor na ikapapahamak ng sindikato, kaya siya iniligpit. Opinyon ko lang iyan.  Tingnan natin ang kalalabasan ng mga isinasagawang imbestigasyon. Mahirap kasing paniwalaan ng sino man na ang alkalde ay nanlaban sa mga awtoridad na nagsisilbi ng search warrant sa kanya noong madaling araw ng Nob. 5.

Nakahanda naman daw si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na bigyan ng proteksyon ang sinasabing number 1 drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa na anak ng pinatay na Mayor sakaling ito ay bumalik nang Pili­pinas mula sa kanyang kinaroroonang bansa sa Gitnang Sila­ngan.

Ipinoproseso pa sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ang deportasyon ni Kerwin sa bansa matapos itong ma­huli noong nakalipas na buwan. Natural lamang na matakot si Kerwin dahil natural lamang na pagbalakan siyang ilig­pit ng mga drug lord na puwedeng ipahamak ng kanyang pagkakadakip.

Sabagay, walang magagawa si Kerwin kung puwer­sahan na siyang pauuwiin ng bansa. Pero mahalaga talaga na pangalagaan ang kanyang buhay para mapiga ng pamahalaan ang mga mahahalagang impormasyon sa ikasusugpo ng problema ng droga sa bansa. Kailangang siyasating mabuti ang lahat ng nagsagawa ng operas­yon na sinasabing mga element ng CIDG at isama na rin ang huwes na nagpalabas ng warrant. Kadudaduda kasi ang proseso at talagang sasabihin mo na may malinaw na intension para iligpit ang alkalde.

Sa kasalukuyan, ang kaso ay iniimbestigahan ng PNP, NAPOLCM, NBI, DILG at ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

 

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with