^

PSN Opinyon

Marcos issue di pa natutuldukan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pananaw ko, hindi pa rin natutuldukan ang usapin tungkol kay dating Presidente Marcos. Ito ay sa kabila ng pagpabor ng Mataas na Hukuman sa paglilibing sa yumaong diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Naniniwala ako na kung magsasagawa ng pambansang survey, lalamang ang bilang ng mga pumapabor sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Noon pa mang kumakampanya sa pagka-Pangulo si Rodrigo Duterte ay inihayag na niya na papayagan niya ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Kaya kung ang nakararaming mamamayan ay ayaw sa nasabing paglilibing, hindi sana nagwagi ang Pangulo.

Sa desisyon ng Korte Suprema, may nakakabit na isyung pulitikal, kasama pa ang malakilaking bilang ng mga taong naging biktima ng human rights violations sa nakaraang diktadurya. Hindi rin naman puwedeng ipagwalang-bahala iyan dahil sabihin mang mas maliit ang bilang ng mga tumututol sa naturang paglilibing, ito’y lilikha­ pa rin ng suliraning pulitikal sa bansa.

Ngunit tama ang desisyon ng Korte Suprema. Ang Korte ay nagdedesisyon palagi na ang basehan ay ang umiiral na batas at Konstitusyon. Wala itong nasilip na legal na balakid para alisan ng karapatan si Marcos na ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Isinasaad kasi sa batas­ na ang mga dating Pangulo ay mayroong karapatang ilibing doon.

May karapatan ding mailibing doon ang mga dating­ sundalo na lumaban sa nakalipas na digmaan. Lahat ng kuwalipikasyong ito ay taglay ni Marcos kaya ang suma-total, inaprobahan ng Korte ang paglilibing sa kanya sa naturang libingan. Sampung mahistrado ang pumabor samantalang ang mga tumutol ay lima lang. Sana lang, huwag nang maglubha pa ang ingay ng mga nasaktan sa desisyon ng Korte. Igalang na lang ang desisyon nito alang-alang sa ikapapayapa ng inambayan.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with