^

PSN Opinyon

Fish talks

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALAYA na raw ang mga Pilipino na makapangisda sa Scarborough shoal nang hindi dinuduro at ginagambala ng mga tanod-karagatan ng China. Of course naman, good news iyan. Mantakin mong sa napakatagal na panahon ay nawalan ng kabuhayan ang ating mga mangingisda na ang tanging inaasahan ay ang masaganang supply ng laman-dagat  sa naturang karagatan na kinakamkam ng China.

Pero hindi pa tapos ang problema. Hangga ngayon ay ayaw pang kilanlin ng China ang pasya ng arbitral tribunal ng United Nations na may karapatan ang ating bansa na pumalaot sa naturang karagatan upang humango ng ikabubuhay. Kay dami nang dumaraing sa gutom ng mga fisherfolk natin sa Zambales at Panga­sinan. Ngayon, balik na umano sa normal ang situwas­yon, ayon sa balita.

Kung totoo man na puwede nang mangisda ang ating mga kababayan, ito ay pansamantalang remedyo lamang na natamo sa nakalipas na pagdalaw ni Presidente Duterte sa China. Siguro, siguro lang, nagawang palambutin ng Pangulo ang puso ng China dahil sa kanyang mga anti-US statement na ang epekto naman ay ang pag-asim ng relasyon ng Pilipinas sa United States.

Ahhh, we cannot have best of both worlds pero sa tingin ko, sumugal ang Pangulo sa kanyang hangarin ng magawa ang unang hakbang para mabawi ang karapatan ng Pilipinas sa terirtoryo. Marahil, ito ay isang estra­tehiya para mapaamo ang China.

Ngunit napakamahal ng halaga ng estratehiyang ito.  Ang tanong nang marami, hindi kaya mas mabigat na problema ang ibubunga ng pagkawasak ng relasyon natin sa US kaysa sa pagkawala ng ating karapatan sa kara­gatang inaangkin ng China? Ewan ko lang.

Ngunit ang mas mahalaga ay ang susunod na hakbang ng Pangulo para tuluyang mapapayag ang China sa desisyon ng arbitral tribunal ng United Nations. Kung hindi ito agarang magagawa, ang ano mang positibong resulta ng nagdaang pagdalaw ng Pangulo sa China ay pulos  delaying tactics lang. Pero okay na rin muna. Ang mahalaga ay muling nagkaroon ng kabuhayan ang ating mga mangingisda sa Zambales at Pangasinan.

vuukle comment

AL G. PEDROCHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with