^

PSN Opinyon

Ang panukalang Palengke Code

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang paghahain ni Sen. Jinggoy Estrada ng mga panukalang batas sa Senado sa kabila ng kanyang kalagayan. Patuloy siya sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang mambabatas at kamakailan lamang ay isinumite niya ang panukalang Palengke Code.

Bagamat mayroong nagsasabi na unti-unti nang namamatay ang mga palengke dahil sa pagdami ng mga malls at air conditioned groceries, naniniwala akong hindi mawawala ang mga palengke na sa ating kasaysayan at kultura ay tumayong sentro ng komersyo at negosyo sa bawat munisipyo. 

Batid ko na marami sa ating kababayan ay umaasa sa pagbebenta sa ating mga palengke para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan at paggastos. Kaya naman mahalaga na ang kondisyon ng institusyon ng pamilihan ay mas maiangat para sa kabutihan ng lahat, parehong sa panig ng nagtitinda at maging ng konsumer.

Isinusulong ng Senate Bill 2961 ang pagbuo ng National Market Code of the Philippines upang mas pagbutihin ang operasyon at mga serbisyo ng ating palengke at makasabay sa modernong panahon. 

Layon nito na ilatag ang mga sistema at panuntunan sa pagpapatakbo ng mga palengke, lalo na  iyong mga nasa ilalim ng administrasyon ng lokal na pamahalaan, sa aspeto ng kalinisan, kaligtasan at seguridad, panga­ngalaga ng mga pasilidad nito, pangongolekta ng mga legal na fees (na siyang ilalaan sa pagpapabuti pa ng pasilidad ng palengke at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tauhan na namamahala nito). 

Ang panukalang ito ay magiging pagpapatibay sa mga probisyon ng Local Government Code na siyang pangunahing nagtatakda ng mga regulasyon at patakaran hinggil sa pagpapatakbo ng mga pampublikong pamilihan. 

Itinakda ng SB 2961 ang pagpapanatili ng kalinisan ng palengke sa lahat ng oras, kabilang ang pagkakaroon ng maayos na sewerage at drainage systems, public toilets, sapat na tubig, mga basurahan sa lahat ng puwesto, upang maiwasan ang kontaminasyon sa pagkain at iba pang produkto o pagkalat ng sakit. 

Itinatakda rin nito ang sistema para sa paggawad at pagbawi ng mga puwesto at ang pribilehiyo na makapag-tinda sa pamilihan. 

Mayroong ding inilalatag na mga parusang pagkakakulong at multa sa mga paglabag sa mga probisyon nito, pagbebenta ng sinuman ng mga nakumpiska at ipinagbabawal na produkto, pandaraya sa mga timbangan, at iba pa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGAMAT

JINGGOY ESTRADA

LOCAL GOVERNMENT CODE

MGA

NATIONAL MARKET CODE OF THE PHILIPPINES

NBSP

PALENGKE

PALENGKE CODE

SENATE BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with