^

PSN Opinyon

‘Pang-aabuso at pananamantala sa mga BPO’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PARAMI nang parami ang bilang ng Business Processing Outsource (BPO) sa bansa. Walang masama rito. Malaki ang ginagampanan nitong papel kung bakit patuloy na lumulutang ang ekonomiya.

Subalit, habang lumalaki ang industriya ng call center, hindi naman ito nasasabayan ng pamahalaan kung aspetong kalagayan, pangangailangan at seguridad ng mga manggagawa ang pag-uusapan.

Una, problema sa kalusugan na kapag hindi matutukan at magabayan ng mga kinauukulan, ang batang henerasyon mauuwi sa iba’t ibang uring sakit at karamdaman.

Pangalawa, problema sa seguridad lalo na ang mga umuuwi sa gabi at alanganing oras. Ang mga kriminal at masasamang-loob, nakaabang lagi sa labas ng kanilang mga pinagta-trababuhan.

Pangatlo, problema sa loob mismo ng mga instistusyon o ang aspetong labor o konsern ng mga empleyado. Mga nangyayaring iregularidad na hindi na nababantayan o hindi na nabibigyan ng atensyon.

Sa mga nabanggit, hindi pa rito kasama ang mga insidente ng sexual harassment o pang-aabusong sekswal na kadalasan, ang mga nasa likod ng gawaing katarantaduhang ito, mga bisor o mga may katungkulan sa kumpanya.

Kaya ang mga pobreng call center agent, mapa-babae man o lalaki nagdurusang tahimik na lang sa takot na mawalan ng trabaho. Hindi na ito bago sa BITAG.

Maliban dito, marami rin sa mga nagsusulputang BPO, haoshiao. Kung alok ang pag-uusapan, magagara. Ang pisikal nilang istruktura, magaganda pero ang sistema at pamamalakad, puro panloloko at panlalamang. May mga alok na panlinlang tulad ng mga hindi totoong signing bonus fee at hindi patas na pagbibigay ng sweldo lalo na sa mga nagtatrabaho sa gabi.

Ang mga aspetong ito, naging serye ng talakayan ko sa aking programang BITAG Live nitong nakaraang linggo. Bukod sa independenteng industriya kung saan matamlay ang administrasyon, mas nahikayat ako sa konsern ng mga magulang na humihiling na ang ganitong mga isyu ay mapag-usapan at matutukan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

BUKOD

BUSINESS PROCESSING OUTSOURCE

KAYA

MALAKI

MALIBAN

PANGALAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with