^

PSN Opinyon

Pribado ang problema ni Tallado?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI nagbibiro ang panawagan ng madlang kababayan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na magbitiw na ito sa puesto dahil sa nangyaring iskandalong the other month.
Sabi nga, sex scandal!

Ika nga, hindi sa kanyang watot kundi sa diumano’y betka nitong bebot?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

“Nasa social media tignan mo ang mga litrato?’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumalat ang picture sa social media na may lamasan este mali lips to lips pala sa bebot na dehins watot ni Tallado.

Sabi nga, malaking kahihiyan ang nangyari sa pamilya nito at bebot na nilamas este mali pinaghahalikan pala?

Baka hindi sila iyon?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal din itong pinag-usapan ng madlang people hindi lang sa Camarines Norte kundi sa Philippines my Philippines ay pinag-tsimisan ang usapin.

Ang pinag-ugatan nang awayan blues ng mag-watot ay selos?

Sabi nga, napuno na ang salop?

Kaya itong si esmi ay lumayas sa kanilang haybol at nagtago dahil sa takot at mga pagbabanta diumano ng kanyang mister nang mabuko ang kanyang ‘love scene’ sa social media.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last October ay nayanig ang media sa Camarines Norte dahil sa pagkawala diumano ng watot nito pero nang mag-imbestiga ang Philippine National Police nabuko na tumakas ito sa poder ni Tallado at pansamantalang nagtago dahil dehins daw siya ‘safe’ kasama si Governor.
Bakit naman?

‘Kumalat ang litrato sa social media na ang pinagbibinta­ngan diumano ay ang esmi ni mister dahil nga, kasama ang isang bebot na kabit - tenya at diumano’y mukhang nagkakaigihan ang bakbakan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Kitang - kita sa litrato na parehong nakahubad ang damit pantaas nila!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumapel pa este mali tinulungan pa ni SILG Mar Roxas ang mag-watot na pag-usapan na lamang ang nangyari at magsama muli.

Ika nga, patawarin ang may kasalanan?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humingi diumano ng tulong si Tallado kay Roxas na gumitna para maayos ang problema nilang mag-watot dahil ang dalawang politiko ay magka-apelyido este mali mag-kaalyado pala sa partido Liberal.

Umentra ang Civil Service Commission na puedeng masuspinde si Tallado sa pangyayari kung mayroon daw magre-reklamo sa kanila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng rally sa munisipyo ni Tallado sa pangunguna ng kanyang mga kababayan para hilingin dito na magbitiw na siya sa puesto.

Sabi nga, sa diumano’y kahihiyan ginawa?

“Ano kaya ang masasabi ng mga kaparian sa probinsiya sa ginawa ni Tallado?’ tanong ng kuwagong malikot.
‘Nakita kaya nila ang litrato na kumalat sa social media? ‘ tanong ng kuwagong haliparot.

‘ Mortal sin kaya ito mga Father?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pribado ang buhay mag-asawa kaya hindi na dapat itong yugyugin pa?

Ika nga, itigil ang pang-utot este mali urot pala!

Abangan.

* * *

Tolentino at ang P.2 million reward

SUMALOK este mali nag-alok pala ng P.2 million reward money si MMDA Chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino sino man makakapagturo o makakahuli sa grupo ng mga rapist na nandurukot ng mga bebot dyan sa may Magallanes Interchange habang naglalakad ang mga bibiktimahin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang isa o dalawa ang nabibiktima rito at nagagahasa dahil na rin sa kakulangan ng ‘police visibility’ at CCTV cameras.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins sapat ang monitoring system sa lugar ng kidnapping kaya kailangan itong dagdagan at magtalaga ng pulisya dito para mailigtas sa kamay ng mga berdugong rapist ang kawawang mabibiktima.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sakay ng van na alaws plate number ang sinasabing apat na buhong na mga rapist na nambibiktima ng mga bebot na naglalakad sa dyan sa EDSA - Magallanes interchange.

‘Sana sa lalong madaling panahon ay masungkit ng mga autoridad ang mga maniac at pagbayaran ang kanilang ginagawa.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

vuukle comment

ASSET

AYON

CAMARINES NORTE

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

TALLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with