^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Kakatakot na ang mga pulis

Pilipino Star Ngayon

NAKAKATAKOT ang mga kriminal pero sa mga nangyayari ngayon na nasasangkot na rin ang mga pulis sa pagpatay, naghahatid na rin sila ng takot sa mamamayan. Sino pa ang lalapitan ng mamamayan sa panahon ng pangangailangan? Sino ang magtatanggol at magpoprotekta sa nahihintakutang mamamayan?

Noong Lunes ng hapon, dakong alas kuwatro, nagtungo sa Pangasinan National High School (PNHS) sa Lingayen si PO3 Domino Alipio para maningil ng pautang sa mga guro. Kasama umano ni Alipio ang kanyang collector at agent, pero nang walang makolekta si Alipio sa mga nangutang na guro, dito na siya nagsimulang magalit. Pumasok siya sa isang classroom kung saan nagdaraos ng meeting ang mga guro at walang patumanggang namaril gamit ang kanyang service firearm na caliber 45 at isang carbine. May dala pa umanong granada si Alipio. Nang matapos ang pamamaril, nakabulagta ang tatlong guro na pawang patay na. Isa ang isinugod sa ospital pero namatay din umano. Wala namang nadamay na estudyante sapagkat nagtakbuhan ang mga estudyante sa gym.

Ayon sa report, tinatayang 39 na mga guro ang nakakuha ng utang kay Alipio na ang pinakamalaki ay P200,000. Matagal na umanong nagpapautang ang pulis sa mga guro. Naaresto kaagad ang pulis at nahaharap sa mabigat na kaso. Inihahanda na ang pagsibak sa kanya sa serbisyo.

Kamakailan lang, isang pulis din ang hinuli makaraang masangkot sa pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor. Inamin ng pulis na si PO2 Edgar Angel na binayaran siya ng P100,000 para patayin si Pastor. Kapag naisagawa ang pagpatay, may bonus pa siyang P50,000. Naisagawa ang krimen pero nahuli rin siya.

Naghahatid ng takot ang ilang pulis. Hindi na malaman ngayon ng mamamayan kung sino ang mga pulis na tapat sa tungkulin at sino ang hindi. Nararapat gumawa ng hakbang ang pamunuan ng PNP kung paano hindi mahahaluan ng mga “bugok na itlog” ang PNP. Kapag nahaluan ng mga “bugok”, hindi kaya mabugok na rin lahat ang mga nasa PNP. Maging matalino ang PNP sa pag-recruit sa mga bagong pulis. Piliin ang mga hindi “mamamatay-tao”.

vuukle comment

ALIPIO

DOMINO ALIPIO

EDGAR ANGEL

ENZO PASTOR

KAPAG

NOONG LUNES

PANGASINAN NATIONAL HIGH SCHOOL

PULIS

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with