^

PSN Opinyon

Kotongerong taga-LTO, tiklo sa Antipolo!

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGWAKAS ang matagal nang pangongotong ng isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa mga driver sa Antipolo City. Nakilala ang suspect na si Jean Paolo Santos. Sa pagsisiyasat ni PO2 Joenepher Jabagat, naaresto si Santos ng Antipolo City police  at Special Weapons and Tactics (SWAT) habang sakay ng kanyang Toyota Vios (plate no. ZPP-706). Naka-assign umano si Santos sa  LTO-MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) bilang acting OIC-Consulting Section Legal Division.

Nireklamo si Santos ng mga nabiktima nito sa Antipolo police headquarters. Ayon sa mga driver, kinukutongan sila ni Santos sa National Road, Bgy. Dalid. Nag-aabang umano ng mga driver si Santos sa madilim na bahagi ng zigzag road ng nabanggit na lugar, paparahin at saka kokotongan. Nagpapakilalang LTO officer siya at kung anu-anong violation ang pinapatong sa drayber. Kapag hindi makapagbigay, kinukumpiska nito ang lisensiya o binabaklas ang plaka ng sasakyan.

Dahil sa reklamo, agad bumuo ng operatiba  si SSupt. Arthur Masungsong ng Antipolo police. Tinungo ang kina­roroonan ni Santos. Subalit nang mapansin ni Santos na paparating na ang mga pulis at SWAT, umalis na paharurot sakay ng kanyang kotse. Subalit pagdating sa Sitio Pulong Banal, Bgy. San Jose, nakaabang na ang SWAT team. Tiklo si Santos, hehehe!

Todo tanggi si Santos nang dumating sa Investigation Unit ng Antipolo City police headquarters, subalit nang buksan ang kanyang bag ay nakita ang isang bungkos ng vehicle registrations, ID cards na may iba’t ibang address. Nakuha rin sa kanya ang isang tool na pangbaklas ng plaka at ilang lisensiya. Maraming kaso ang kakaharapin ni Santos.

Ayon kay PPO chief SSupt. Rolando Anduyan, hindi niya hahayaan na pumasok ang sinumang mangungutong sa mga taga-Antilopo City. Kaya ang panawagan niya sa mga nabiktima ni Santos, magtungo kayo sa Antipolo City police headquarters para makita si Santos at nang maidagdag ang inyong reklamo.  Congratulations SSupt. Masungsong sa pagkakaaresto n’yo kay Santos. Abangan!

vuukle comment

ANTILOPO CITY

ANTIPOLO CITY

ARTHUR MASUNGSONG

AYON

BGY

CONSULTING SECTION LEGAL DIVISION

INVESTIGATION UNIT

JEAN PAOLO SANTOS

JOENEPHER JABAGAT

SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with