EDITORIAL - CamSur bill at Sin Tax bill
(The Philippine Star) - September 22, 2012 - 12:00am

 MAKONTROBERSIYA ang paghahati ng Camarines Sur sa dalawang probinsiya. Isang panukalang batas ang naka-pending sa Senado para sa pagbuo ng Nueva Camarines. Kung hindi nagkaroon ng pagtatalo sina Senator Antonio Trillanes at Senate President Juan Ponce Enrile noong Miyerkules, baka naaprubahan na ang Camsur bill. At kapag inaprubahan ng Senado, magkakaroon ng plebesito para tanungin ang mga taga-Camarines Sur kung papayag silang magkaroon ng Nueva Camarines. Dahil sa pagtatalo nina Trillanes at Enrile, hindi natuloy ang pagsasabatas. Nag-break na ang Senado kahapon at babalik sa Oktubre 8. Walang nakaaalam kung pagdedebatehan pa ang controversial na CamSur bill na umano’y nasa ikatlo at huling pagbasa.

Inakusahan ni Trillanes si Enrile na minamadali ang pagsasabatas ng CamSur bill. Madalas umanong mag-lobby ang mga congressmen ng CamSur kay Enrile para ipasa na ang panukala. At hindi lamang umano mga kongresista ang pumi-pressure kay Enrile kundi pati na rin si dating President Gloria Macapagal-Arroyo. “Sinususian” umano ni GMA si Enrile kaya minamadali ang pagsasabatas ng panukala. Maski umano masama ang panahon ay nais ni Enrile na pagdebatehan ng mga senador ang panukala sa paghahati ng CamSur.

Itinanggi naman ni Enrile ang paratang. Hindi raw siya “sinususian” ni GMA. Hindi raw siya nakatatanggap ng tawag kay GMA. Sinungaling umano si Trillanes at gusto lamang pagtakpan ang kapalpakan nang umaktong unofficial negotiator ng bansa sa China kaugnay sa pinag-aagawang Panatag (Scarborough) Shoal.

Bakit nga ba kailangang unahin ang CamSur bill? Mas mahalaga pa ba ito sa Sin Tax bill na ma­tagal nang nakabinbin sa Senado. Sa Sin Tax bill ay makikinabang ang gobyerno sapagkat tataas ang buwis ng alak at sigarilyo. Mababawasan ang maninigarilyo at ang magkakasakit.

Mahalaga rin ba ang CamSur bill kaysa RH bill? Sa RH bill, matuturuan ang mag-asawa sa pagpaplano ng pamilya at ma-e-educate ang mga kababaihan sa ligtas na pagsisilang ng sanggol.

Sino ba ang makikinabang sa CamSur bill?

BILL CAMARINES SUR CAMSUR ENRILE NUEVA CAMARINES PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO SA SIN TAX SENADO SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE TRILLANES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with