^

PSN Opinyon

Benepisyo kapag itinigil ang paninigarilyo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - The Philippine Star

Ayon sa tanyag na American Lung Association, ito ang mga puwede n’yong asahan kapag itinigil ang paninigarilyo.

20 minutos pagkatapos itigil ang paninigarilyo – Bababa na ang iyong blood pressure at pulso. Nakaka-high blood ang paninigarilyo.

8 oras pagkatapos itigil ang paninigarilyo – Bababa ang lebel ng carbon monoxide sa iyong dugo, at tataas ang oxygen. Ang carbon monoxide ay isang lason na nakukuha sa usok ng sigarilyo. Pareho ito sa usok ng tambutso ng bus.

24 oras – Mababawasan na ang tsansa mong magkaroon ng atake sa puso.

48 oras – Manunumbalik na ang iyong normal na panlasa at pang-amoy. Mag-uumpisa ring maghilom ang iyong mga ugat (nerves).

2 linggo hanggang 3 buwan – Gaganda ang sirkulasyon ng iyong dugo sa katawan. Mababawasan ang iyong pag-ubo at pagdahak ng plema. Bibilis na rin ang iyong paglakad.

1 hanggang 9 na buwan -- Tuluyang lalakas na ang iyong baga at giginhawa ang iyong paghinga. Ang mga cilia (maliliit na parang buhok sa baga) ay manunumbalik sa kanilang trabaho na mag-alis ng plema sa baga.

1 taon pagkatapos itigil ang paninigarilyo – Ma­babawasan ng 50% ang tsansa mong magkaroon ng sakit sa puso kumpara sa isang taong tuluyan pa ring naninigarilyo.

10 taon – Mababawasan na ang tsansa mong magkaroon ng kanser sa baga, bibig, lalamunan, pantog at bato. Ngunit hindi pa rin mapapantayan ang kalusugan ng isang hindi kailanman nanigarilyo.

15 taon – Halos normal na ang iyong kalusugan katulad sa ibang tao na hindi naninigarilyo. Sa wakas, pagkalipas ng 15 taon, ang lahat ng mga dumi na dulot ng paninigarilyo ay naalis na ng iyong katawan. Congratulations at hahaba na ang iyong buhay.

Ang mga datos na ito ay base sa matagalang pananaliksik ng mga eks­perto at doktor sa America. Uma­sa ka na babalik ang iyong sigla at kalusugan kapag nagdesisyon ka nang itigil ang paninigarilyo.

Tandaan, ang tsansa mong atakihin sa puso ay mababawasan agad ng 1 araw makalipas na itigil ang paninigarilyo. Kai­bigan, kung gusto mong humaba pa ang iyong buhay, itigil na ang sigarilyo. Kaya mo iyan!

AMERICAN LUNG ASSOCIATION

AYON

BABABA

BIBILIS

GAGANDA

IYONG

MABABAWASAN

PANINIGARILYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with