^

PSN Opinyon

Powder keg sa Scarborough

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAHIGIT dalawang buwan na ang hidwaan ng Pilipinas at China sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Nakakaalarma na ito.

Ngayon, sinisisi ng China ang Philippines sa paglubha ng sigalot at inaming nagpadala nga ito ng karagdagang barko sa naturang lugar na malapit sa Pilipinas.

Napapailing ako’t napapakamot ng ulo. How can an elephant like China bully a helpless ant like the Philippines even in the latter’s own territory? O baka naman dahil nga sa kahinaan natin kung kaya’t kayang-kaya tayong ipagtulak-tulakan ng isang higanteng nasyon.

Nagtataka ako sa pahayag kamakailan ng Chinese Foreign Ministry. Pilipinas daw ang siyang nagbubuyo sa China para maglubha ang tension. Ha!!

Hindi naman tinukoy ng China kung anong aksyon ang ginawa natin na pambubuyo. Halatang gumagawa lang ng eksena para bigyang katuwiran ang aksyon nila laban sa atin.

Puwede bang buyuin ng isang “langgam” ang “ele­pante” para mag-away? Napakalaking bansa ng China at hawak ang mga modernong kasangkapang pandigma. Tayo pa ba ang maghahamon ng away?

Sabi pa ng spokesman ng China, ang ipinadala raw    na mga barko ay para kontrolin ang situwasyon sa naturang lugar na bukod sa malayo sa Tsina ay napakalapit sa lalawigan ng Zambales.

Nakakatakot na ito. Kung ubra tayong duru-duruin ng China sa teritoryong sariling atin, baka sa hinaharap ay tangkain nitong sakupin ang buong bansa.

vuukle comment

CHINA

CHINESE FOREIGN MINISTRY

HALATANG

NAGTATAKA

NAKAKAALARMA

NAKAKATAKOT

NAPAKALAKING

NAPAPAILING

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with