^

PSN Opinyon

'Nakabakasyon ka na ba? Huwag tatanga-tanga!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MIYERKULES Santo, ikatlong araw ng Semana Santa sa paggunita ng mga Kristiyano sa pagpapahirap at pagkamatay ni Hesuskristo.

Ang karamihan sa mga oras na ito ay nasa kanya-kanya ng probinsiya o nasa lugar ng bakasyunan. Iilan lamang ang pumirmi sa kani-kanilang mga bahay lalo na sa Metro Manila.

Nauna ng nagbigay ng babala ang BITAG kung paano hindi maisahan ng mga akyat-bahay gang na ang puntirya ay mga tahanang walang bantay o walang tao.

Maaaring nasunod ng ilan ang mga tips na ito, subalit hindi pa roon natatapos ang inyong pag-iingat, kaya hindi pa oras para maging kampante ang sinuman.

Sa mga kilalang lugar ng bakasyunan at tourist spot sa ating bansa mas pinipili ng mga Pinoy na ubusin ang kanilang oras sa pamamahinga tuwing Semana Santa.

Bukod sa walang pasok, panahon na rin ito ng summer.

Kaya ang mga hotel, apartelle, apartment, rooms at transients ang tiba-tiba ang kita na siyang inuupahan ng mga bakasyunista.

Mag-ingat, huwag iwanang walang tao ang inyong mga inuupahang pansamantalang tirahan.

Dahil baka lingid sa inyong kaalaman, may duplicate ng susi ang mga kawatang ang target ay inyong tinutuluyan.

Naghihintay lamang ng tiyempo kapag buong miyembro ng tropa o pamilya ay nasa lakwatsa, saka lilimasin ang inyong mga kagamitan.

Ilang beses nang may nailapit sa BITAG na ganitong reklamo, hindi na bago sa amin ang kasong ganito. May ilan, nakuha pang gastusin ang laman ng atm at credit card ng mga biktima.

Kung hindi maiiwasan, magdala ng extra lock para siguruhing hindi mapapasok ng kung sino ang inyong tinutuluyan. Kayu-kayo lamang na magkakakilala at magkakasama ang may hawak ng susi nito.

Mag-ingat din sa pakikipag-usap sa mga estranghero. Ang mga kriminal na may malikhaing pag-iisip, nakiki-bagay sa lugar na kanilang tinatambayan.

Naguwapuhan, nagandahan o nabaitan ka nga, hindi mo alam may masamang balakin na pala ‘yan. Paborito nilang target ay yung mga pabaya, tanga at madaling magtiwala.

Laging paalala ng BITAG, kung saan ma­raming tao, nandoon ang mga dorobo. Kaya’t laging isipin, maingat ka man, isa ka sa puntirya ng mga putok sa buhong ito.

vuukle comment

BUKOD

DAHIL

HESUSKRISTO

IILAN

ILANG

KAYA

METRO MANILA

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with