^

PSN Opinyon

3 cock derby sa Mindoro Oriental

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SA March 23, 2012 (Friday) at around 6pm sa Victoria Cockpit Arena, Victoria, Mindoro Oriental, nakakasa ang 3 cock derby ni Atty. Biyong Garing, promoter,  kaya naman iniimbitahan niya ang mga sabungero na dayuhin ang kanyang pasabong.

Sabi ni Biyong, may 5,500 pot money, P5,500 minimum bet.

Bida ni Biyong, ang desired weight 1,800 - 2,400 kgs pero bawal ang mga panabong na ‘kinulayan.’

Prize - open, handler P10,000 at gaffer P5,000.

Maaring tumawag kay Ted Dagdagan sa telepono 0999-357-1584  o 093222476437 para sa submission of weights and cockhouse reservation.

Sahod ng nurses itaas - Angara

ISANG kongresista ang may konsensiya matapos nitong mapag-tanto na agrabiado pala ang mga nurses sa Philippines my Philippines dahil sa bigat ng trabaho nila pero kakarampot lamang ang sinasahod.

Sabi nga, kawawa naman!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mag-aral ng nursing lalo na sa mga kolehiyo.

Itanong ninyo sa mga magulang kung magkano ang ibinabayad nilang matrikula, libro, baon at pamasahe ng kanilang anak every year para makatapos ng nursing?

Magkano nga ba?

Iyan ang itanong mo sa kanila. Hehehe!

Napag-alaman ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Aurora Rep. Sonny Angara, gusto niyang amyendahan ang Nursing Act of 2002 para maitaas ang antas ng sahod nila.

Bida ni Angara, ang House Bill 5780 na inihain niya ay para magkakaroon ng P14,000 monthly compensation ang mga nurse working sa private at public hospitals.

Nadiskubre ni Angara na maliit lamang pala ang sahod ng mga nurses natin namamasukan sa mga ospital dahil sila ay pinasasahod lamang ng P5,000 to P7,000 monthly.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon kay Angara, mas mababa pa daw ang sinasahod ng mga nurse sa mga klinika at maliliit na private hospital.

Sabi nga, P4,000 a month?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bida ni Angara, kasama sa HB 5780, ang layuning ireporma at mabigyan ng sapat na proteksyon at mahubog pa ang nursing profession sa Philippines my Philippines kasama dito ang pagbigay ng incentives at benefits sa mga nurse.

Sabi nga, hurrah, hurrah, hurrah!

Kuento ni Angara, ng maging butas este mali batas pala ang Nursing Act, nasa 251 lamang ang mga school na may kursong nursing. But now, lumubo na umano ito sa 491 nursing schools.

Nalulungkot si Angara, sa kabila ng sangkaterbang bilang ng mga nagtatapos ng nursing,mababa naman ang bilang ng mga pumapasa sa Nurse Licensure Examination.

vuukle comment

ANGARA

AURORA REP

AYON

BIDA

BIYONG

BIYONG GARING

NURSING

NURSING ACT

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with