^

PSN Opinyon

Reporma sa ARMM

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay natutuwa sa tagumpay ng reporma sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pangunguna ni Acting Governor Mujiv Hataman.

 Sa ginawang pag-appoint noong isang taon kay Ha-taman sa bisa ng Republic Act 10153, idineklara ni President Noynoy Aquino na nais niyang maipatupad agad    ang mga positibong pagbabago sa nasabing rehiyon.

 Pangunahin aniya sa mga ito ay ang paglaban sa korapsyon, pagsasaayos ng serbisyo publiko, pagwaksi sa umiral doon na kultura ng karahasan at pananakot, at pagtitiyak nang maayos at malinis na halalan.

 Naging malaking isyu sa bahaging ito ng Mindanao ang umano’y grabeng dayaan noong 2004 at 2007 elections pabor sa kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo at kanyang mga personal na kandidato.

 Dahil din umano sa mga negatibong sistema sa nakaraang pamamahala sa ARMM ay tumindi ang kahirapan doon at napabilang ito sa “poorest regions” ng bansa sa kabila ng napakalaking pondong natatanggap nito.

 Kaugnay nito ay masayang iniulat ni Gov. Hataman na tagumpay ang kanilang mga isinasagawang reporma. Aniya, “Nasusugpo na namin ang korapsyon dito sa ARMM. Ako, pwede kong ipagmayabang na dito mismo sa Office of the Regional Governor ay wala nang nagaganap na corruption ngayon.” Naisaayos na rin nila umano ang matagal nang isyu sa korapsyon sa pasuweldo sa mga titser.

 Mahigpit din nila umanong ipinatutupad ang total log-ban policy alinsunod sa Executive Order No. 23 ni Aquino hinggil sa pangangalaga sa mga puno sa buong bansa.

 Ikinatuwa naman ni Gov. Hataman ang aniya’y pagbasura ng Supreme Court “with finality” sa mga petisyon laban sa RA 10153 at laban sa kaniyang appointment.

* * *

 

Birthday: Rizal Governor      Dr. Junjun Ynares (March 4).

* * *

Nakikidalamhati kami sa pagyao ng aming kaibigan na si Horacio “Boy” Morales na dating Agrarian Reform secretary, opisyal ng Pwer­sa ng Masang Pilipino at pangulo ng think-tank na La Liga Policy Institute.

vuukle comment

ACTING GOVERNOR MUJIV HATAMAN

AGRARIAN REFORM

AUTONOMOUS REGION

DR. JUNJUN YNARES

EXECUTIVE ORDER NO

HATAMAN

LA LIGA POLICY INSTITUTE

MASANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with