^

PSN Opinyon

Hugas-kamay si Supt. Estomo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGHIHIMAGSIK si Supt. Junnel Estomo ng PMA Class ’92. Abot langit ang pagtanggi ni Estomo na may kinalaman siya sa tong collection activities ng ex-cop na si Ver Navarro. Si Estomo ay naka-assign sa AIDSOTF sa kuwadra ni Dep. Dir. Gen. Raul Castaneda, ang deputy chief for operation ng PNP. Sabi ng mga kausap ko, imposible raw na si Estomo ang nasa likod ng tropa ni Navarro, na kinamumuhian ng mga gambling lords, bold show operators at mga ilegalista sa Metro Manila. Ang lakad kasi ng Navarro group ay mangulekta ng “tong” at hindi upang ipasara ang mga nag-iilegal sa MM. Sobra sa doble ang intelihensiya na gusto at ayaw nila ng tawad kaya nag-iiyakan ang mga ilegalista. Hugas-kamay si Estomo sa karahasang dulot ng tropa ni Navarro.

Subalit putok naman ang balita na si Boyet Kalabaw ang nanalo ng bidding na P800,000 weekly para sa CIDG sa Metro Manila. At ang kinuha ni Kalabaw ay sina Navarro at Emeng Macasaet sa Maynila, Egay Lazaro sa Camanava, si Navarro pa rin sa SPD at mismong si Kalabaw ang sa Quezon City Police District (QCPD). Kay Kalabaw muna dadaan ang nakokolektang pera bago isumite kay PO3 Colanding ng CIDG-NCR. Si Colanding ay dating bata ni Estomo, na bago sa AIDSOTF ay na-assign din sa CIDG-NCR. Kung tutuusin, hindi naman puwedeng ibulsa ni Colanding ang nakolektang lingguhang intelihensiya ng tropa ni Navarro kundi may binibigyan siya. At wala akong sinasabi na kay Estomo bumabagsak ang pitsa ha?

Habang naghuhugas-kamay si Estomo sa kalakaran sa CIDG, tuloy pa rin ang ligaya ng tropa ni Navarro. Parang mga Doberman na nananalasa sa kalye sina Navarro at ang ginagamit nilang pananakot ay ang elemento ng Task Force Maverick ng CIDG. Kung sabagay, paano makukulimbat ng tropa ni Navarro ang P800,000 weekly kung magiging malamya lang sila sa pakikipag-usap sa mga ilegalista? Aber mga suki?

Bakit kaya inutil sina DILG Sec. Jesse Robredo at CIDG chief Dir. Sammy Pagdilao na habulin ang tropa ni Navarro? Eh mahigit pa sa chopper scam, rubber boats procurement    at repair ng mga V-150 ang ginagawa nila?

Kung anu-anong im-bestigasyon na ang iniutos ni Robredo para malinis ang PNP subalit bakit tiklop siya kay Navarro? Sagasaan mo si Navarro Sec. Robredo para hindi na tularan pa ng ibang Doberman. Abangan!

vuukle comment

BOYET KALABAW

COLANDING

EGAY LAZARO

EMENG MACASAET

ESTOMO

JESSE ROBREDO

JUNNEL ESTOMO

METRO MANILA

NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with