^

PSN Opinyon

Ang salot na droga

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

HABANG nagluluksa tayo sa sinapit nina Sally Ordi-nario-Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo na inexe­cute sa China, kailangan na talagang isagawa ng ating pamahalaan ang pursigidong kampanya laban sa drug syndicates at sa mismong salot na droga.

Ito ang napag-usapan namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development at ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE).

Sa ganitong hakbangin ay malaki ang maitutulong ng pribadong sektor pati na rin ng sambayanan mismo partikular sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad kung sakaling may nalalaman silang impormasyon hinggil sa mga sindikato, at sa kabuuang pakikiisa at pagsuporta sa kampanya laban sa iligal na droga.

Tanggap natin ang katotohanan na marami tayong kababayan na nabibiktima ng drug syndicate, kung saan ang mga ito ay napipilitang sumuong sa mapa­nganib na drug trafficking kapalit nang malaking halaga, habang ang iba naman ay hindi talaga alam na droga pala ang ipinabibitbit sa kanila sa pagbiyahe sa iba-yong dagat.

Kailangang masugpo ang drug syndicate. Kailangan ding mahuli at maparusahan kung sino man ang sinasabing mga kasabwat nila sa pamahalaan. Dapat ding magawan ng solusyon kung ano man sa mga batas at alituntunin sa ating bansa ang napaiikutan kundi man direkta pa ngang nagagamit ng mga sindikatong ito kaya namamayagpag ang kanilang iligal na gawain.

Bukod kasi sa pambibiktima nila sa ating mga kababa-yang nag-a-abroad ay alam naman natin na napakalaking perwisyo ang idinudulot ng iligal na droga sa lipunan lalo pa nga kung      ito ay naibibiyahe sa iba’t ibang bansa.

Muli, kami ni Jinggoy at pa-milya Estrada ay nakikidalamhati sa sinapit nina Villanueva, Batain at Credo at kasabay nito ay muli rin naming idinideklara ang aming buong suporta sa kam­panya laban sa mga sindikato      ng iligal na droga at sa paglaganap ng naturang salot sa lipunan.

vuukle comment

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

ELIZABETH BATAIN

HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

LABOR AND EMPLOYMENT

RAMON CREDO

SENATE COMMITTEE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with