^

PSN Opinyon

Problema sa prostate (Benign Prostate Enlargement)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ANG prostate ay organ na kasinglaki ng kastanyas. Na-kabalot ito sa labasan ng ihi ng lalaki (urethra).

Karamihan ng lalaking edad 45 pataas ay nagkakaroon ng bahagyang paglaki ng prostate. Ito’y dala ng pagbabago sa hormones ng lalaki kapag ume-edad.

Ang sintomas ng lumalaking prostate ay ang madalas na pag-ihi, at pakonti-konti ang labas. Humihina din ang daloy ng ihi at parang hindi kumpleto ang iyong pag-ihi. Sa mga may edad, madalas silang gumising sa gabi para umihi.

Ito ang mga paraan para alagaan ang ating prostate:

Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang iyong pantog at bato.

Uminom ng 8 basong tubig sa isang araw para manatiling malinaw ang iyong ihi.

Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangan kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo.

Uminom ng green tea (decaffeinated) imbis na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

Kumain ng mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.

Kumain ng isda kaysa karne.

Umiwas sa matataba at matatamis. Iwas sa soft drinks, iced tea at cakes.

Umiwas sa alak at kape. Nakakairita ito ng prostate.

Natural na lunas sa prostate:

1. Saw Palmetto - Ayon sa Journal of the American Medical Association (JAMA), ang pag-inom ng saw palmetto ay nakababawas sa sintomas ng lumalaking prostate.

Ang saw palmetto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.

2. May tulong din ang mga natural remedies tulad ng Pygeum, Nettle root at Pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.

Medikal na gamutan

sa prostate:

Kumonsulta muna sa isang Urologist bago uminom ng mga gamot na ito.

1. Terazosin (Brand name Hytrin) – Mabilis ang epekto ng Hytrin na pagandahin ang daloy ng iyong ihi. Halos 1 o 2 araw lang ay may pagbabago na.

2. Finasteride (Proscar) o Dutasteride (Avo-dart) - Binibigay ito sa mga pasyenteng malaki na talaga ang prostate. Kailangan ito inumin ng ilang buwan bago mapaliit ang iyong prostate.

May kamahalan ang mga gamot sa prostate (ha-­los P100 bawat tableta). Sana ay mapababa ang presyo ng gamot para mas marami ang matulungan nito.

Kapag hindi nakuha sa gamot ay may ginagawang Laser treatment ang mga Urologist (iniinit ang prostate). Huwag matakot at kumunsulta sa iyong Uro­ logist.

Good luck po!

vuukle comment

HUWAG

HYTRIN

IHI

JOURNAL OF THE AMERICAN MEDICAL ASSOCIATION

KAILANGAN

KUMAIN

PROSTATE

UMINOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with