^

PSN Opinyon

Eleksyon na bukas

PILANTIK - Dadong Matinik -

Eleksyon na bukas – anong mangyayari

Ito kaya’y tuloy o masususpinde?

Kung hindi matuloy paano na kami

Na ang tanging hangad magbago’y marami?

Magbago ang ating halalan sa ngayon

Sa halip na manual ay poll automation;

Subali’t kung palpak nasabing election

Saka na lang gawin sa ibang panahon!

Magbago ang lahat sa ating gobyerno –

Upang guminhawa ang maraming tao;

Subali’t kung bigo sa ating pagboto

Lalong magdurusa ang maraming tao!

Magbago ang lider nitong ating bansa

Kaya ang halalan di dapat masira;

Kung walang halalan ay lalong kawawa

Itong sambayanang ang marami’y dukha!

Magbagong ugali ang mga botante

Sa mga candidate marunong pumili;

Iboboto nila’y hindi taong mali

Kundi mga taong bayan ang kandili!

Magbago ang lahat sa ating gobyerno

Upang guminhawa ang maraming tao!

Subali’t kung bigo sa ating pagboto

Lalong magdurusa Lahing Pilipino!

Magbago ang takbo ng buhay sa lunsod –

Na mapera lamang ang palaging busog;

Mga dukhang bahay na nasa sa likod

Ay maging kongkreto at hindi na dahop!

Magbago ang takbo ng ating panahon

Kung may bagong lider na ang isang misyon

Humanap ng lunas sa problema ngayon

Na sa global warming tayo’y maikanlong!

Magbago ang kulay ng mga bukirin –

Upang kung tag-ani maraming anihin;

Kung dahil sa init bukid tuyo pa rin

Kung bago ang lider – patubig darating!

Magbago ang lahat sa ating paligid

Malamig ang hangin simoy ay matamis;

Kalye at imburnal palaging malinis –

Sa gabi’y payapa kay sarap umidlip!

vuukle comment

ATING

ELEKSYON

HUMANAP

KUNG

LAHING PILIPINO

LALONG

MAGBAGO

SUBALI

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with