^

PSN Opinyon

Nagbagong-anyo si Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

Katumbas ng ikadalawang linggo ng kuwaresma ay ang kapistahan ng Transfiguration of the Lord (Agosto 6). Ito’y isang paalaala sa atin na tayo ay makikipagtipan din sa Diyos katulad ng ating amang Abraham. Ang Panginoon ang ating tanglaw, Siya ang ating kaligtasan. Ipinahayag ni Pablo sa mga taga-Filipos na “gagawin ni Hesukristong maluwalhati ang ating katawang-lupa tulad ng Kanyang katawan”. 

Ang panahon ng Kuwaresma ay isang paghihikayat sa atin ng lubusang pagsisisi at pagtatakwil sa lahat ng ka­sa­maan. Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay isang pag­papakita sa mga apostoles bilang mga saksi na meron talagang kaharian si Hesus. Sila ang mga “eye witness” at tahasang sinabi ni Pedro: “Narinig namin ito sapagka’t kami’y kasama Niya sa banal na bundok at isang tinig mula sa alapaap na nagsabi: “Ito ang Aking anak, ang Aking hinirang Siya ang inyong pakinggan” (2Pedro1:16-19).

Pagkatapos ipahayag ni Hesus ang tungkol sa kanyang kamatayan ay isinama Niya sina Pedro, Juan at Santiago sa bundok. Habang Siya ay nananalangin nagbagong anyo ang Kanyang mukha, nagningning ang kasuutan at naging puting-puti. Lumitaw sina Moises at Elias at nakipag-usap kay Hesus. Doon nagising sina Pedro. Nabighani siya at kaagad niyang naala-ala ang sinabi ni Hesus na Siya’y ipapapatay ng mga Eskriba. “Guro, mabuti pa ay dumito tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: Isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias”.

Ayaw ni Pedrong batahin ang paghihirap na ipina­hayag ni Hesus kaya’t nagmungkahi siyang magtayo doon ng kubol. Kadalasan ay ayaw din nating tamuhin ang mga hirap at pagsubok sa ating buhay. Ayaw nating magsakripisyo bilang pagpapatibay ng ating pagsunod kay Hesus. Pawang kagandahan ng buhay ang ating ninanais. Ang mga pagsubok at problema ng ating buhay ay bahagi ng ating tagumpay.  

Ito ay isa ding paalaala sa mga mag-aaral. Magba­bakasyon na naman, Graduation Day. Kung nais ninyong makatapos at maka-graduate ay pagsikapan ninyong mag-aral ng mabuti, magsakripisyo at paglabanan ang mga tukso ng computer shop na kadalasan ay nakasisira sa ganap na pag-aaral.

vuukle comment

ANG PANGINOON

ATING

AYAW

ELIAS

GRADUATION DAY

HABANG SIYA

HESUS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with