^

PSN Opinyon

Kakaiba ang election sa US kaysa Pilipinas

-

MARAMING city dito sa US ang malapit nang mag-elect ng kanilang mayor, at mga councilor. Pero dito ay naiiba at hindi tulad diyan sa Pilipinas na mainitan at mahigpitan ang eleksyon. Wala ritong patayan, walang posters o campaign materials na nakapaskel sa mga pader at punongkahoy. Kaya malinis dito. Nalalaman lamang na may eleksyon sapagkat nakakatanggap ang mga botante ng notice. Binabanggit dito ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagka-mayor at councilors. Hindi rin sila gumagastos sa radio-TV. Kung mayroon man, yun ay ang pinadadalang campaign materials ng mga kandi­dato sa mga bahay ng botante. Walang nagbabahay-bahay para mangampanya.

Kaunti lang ang kinakailangang kapital na pera ng kumakandidato sapagkat walang bilihan ng boto. Ang mga tumutulong sa mga kandidato upang mangampanya ay pawang volunteers lamang at hindi binabayaran. Sa katunayan, ang mga ito pa ang gumagastos sa kanilang mga kailangan sa kampanya. May pagkakataon din na dapat pang pilitin ang isa upang kumandidato.

Ewan ko kung mangyayari ang ganito sa Pilipinas. Pero sa palagay ko e malayong mangyari, sapagkat ngayon pa lang, kitang-kita na agad ang masamang gawi ng pulitika. Maraming gustong maging presidente. May nagsisiraan nang presidentiables. May mga gumagastos na ng limpak-limpak sa political ad.

May nagtatapon na nang milyun-milyong piso kahit bawal sa batas.

Sabi ng mga political experts, gagastos daw ng hindi bababa sa P1 bilyon ang isang kandidato upang magka­ roon nang malaking tsansang manalo. Kailangang mag­labas nang bilyones para makasiguro. Sus­maryosep, pa­paano mababawi ng kandidato ang ginastos saman­talang P65,000 isang buwan lamang ang suweldo ng presidente?

vuukle comment

BINABANGGIT

EWAN

KAILANGANG

KAUNTI

KAYA

MARAMING

NALALAMAN

PERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with