^

PSN Opinyon

Motorsiklista, alamin mo ito

SAPOL - Jarius Bondoc -

SUMULAT si mambabasa King Padrinao: “Maraming    hindi marunong magmotorsiklo, kaya naaaksidenta. Ilahad mo sana sa column ang: (1) tamang helmet, (2) ilan ang puwede isakay, (3) ano ang edad ng sakay, (4) tamang headlight (may sobrang nakakasilaw na super-white), at (5) may plate number-coding ba ang motorsiko sa matra­ pik na siyudad?”

Sinagot lahat ni Arnel Doria, general manager ng Honda Safety Driving Center: “R.A. 4136 ang sumasaklaw sa mga katanungan. Ang batas ay 1964 pa; maraming probisyon ang binago na ng local ordinances, depende sa lugar, kaya nakakalito tuloy.

“Merong mga panukalang batas para imoderno ang    R.A. 4136. Pinaka-komprehensibo ang Road Safety Bill    ni Rep. Monico Puentebella. May dalawang bills si Sen. Bong Revilla na iobliga ang pagsuot ng helmet at ibawal ang mga bata, edad-7 pababa, sa motorsiklo. ‘Yung kay Sen. Antonio Trillanes IV, obligadong driver education bago lisensiyahan.

“Binalak iobliga ni dating LTO chief Alberto Suansing ang helmet specs na PNS-UNECE 22, pero tinutulan ng asosasyon ng motorsiklista at manufacturers. Suspendido muna ito, kaya bukod sa nauna, payag ang DTI sa specs na: British Standard 6658 A & B, Thailand Industrial Standard 369-2539, DOT Standard FMVSS 218, Japan Industrial Standard T8133, at Snell 95 & M2000.

“Ang motorsiklong walang sidecar ay dinisenyo para      sa dalawang sakay. Walang malinaw na patakaran sa disenyo at laman ng sidecar.

“Ang driver ay hindi dapat bababa sa edad-16 (student permit) at 17 (non-pro). Panukala ni Revilla na iba-wal ang batang edad-7 pababa.

“Wala sa batas ang head­light intensity. Sa kotse ka­dalasan 50/60 watts ang liwanag; sa motorsikolo 30/30 watts. Kapag mali ang focus nito, halimbawa naka­taas, makakasilaw sa kasa­lubong.

“Hindi sakop ang motor­siklo sa number-coding, na pampabawas ng mala­laking sasakyan sa daan.”

vuukle comment

ALBERTO SUANSING

ANTONIO TRILLANES

ARNEL DORIA

BONG REVILLA

BRITISH STANDARD

DRIVING CENTER

JAPAN INDUSTRIAL STANDARD

KING PADRINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with