^

PSN Opinyon

Pagpupugay sa mga nagligtas sa mga biktima ni 'Ondoy'

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng  Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay na­nguna sa pagpupugay sa mga taong isinakripisyo ang sarili para mailigtas ang kapwa habang nananalasa ang bagyong ‘‘Ondoy’’.

Sa kanyang Senate Resolution numbers 1389 at 1390 na pinagtibay ng mataas na kapulungan, particular niyang pinapurihan sina Army Private First Class Venan-cio Ancheta at Corporal Adriano Regua. Pinapurihan din si Muelmar Magallanes.

Si Ancheta, miyembro ng Alpha Company, 16th Infantry Batallion ng Army 2nd Infantry Division, ay nag­ ligtas ng 20 residente ng Barangay Tunhac, Famy, Laguna na na-trap ng rumaragasang baha. Sa kasawiang-palad, pag­katapos noon ay siya naman ang tinangay ng agos. Animna­raang katao ang nailigtas ng team nila sa naturang lugar.

Si Regua, kasama ang isang grupo ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) rescue team, ay nag­ligtas naman ng 200 residente ng Mabitac, Laguna sa baha hanggang siya at ilang CAFGU members ay tina­ngay din ng baha at kinabukasan na lang nakita ang kanilang mga bangkay. Ginawaran sila ng Armed Forces of the Philippines ng Bronze Cross Medals at posthumous promotion dahil sa kanilang kabayanihan.

Ang 18-anyos na si Magallanes, ay 30 katao ang nasa­gip hanggang tangayin din siya ng agos.

Ayon kay Jinggoy, sina Ancheta, Regua at Magalla-nes ay hindi naging makasarili. Inialay nila ang buhay para sa mga nasalanta ng baha.

vuukle comment

ALPHA COMPANY

ANCHETA

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY PRIVATE FIRST CLASS VENAN

BARANGAY TUNHAC

BRONZE CROSS MEDALS

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

CORPORAL ADRIANO REGUA

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with