^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maglinis sa kapaligiran para hindi ma-dengue

-

AYON sa Department of Health (DOH) paghan­daan ang muling pag-atake ng AH1N1 virus dahil mas matindi raw ito. Hindi raw dapat ipagwa­lambahala ang muling pagsalakay. Hindi lamang dito sa Pilipinas, nananalasa ang AH1N1 kundi sa buong mundo. Marami na ring nabiktima ang sakit.

Pero kung mayroon mang dapat iwasan at laba­nan sa panahon ngayon,. Iyan ay walang iba kundi ang mga lamok na nagdudulot ng dengue. Patuloy ang pangingitlog ng mga lamok na tinatawag na Aedis Aegypti. Patuloy sila sa pagdami at patuloy din sa pagkitil ng buhay.

Panahon ng tag-ulan at ito ang hinihintay ng mga lamok para makapagparami. Sagana sa tubig ang kapaligiran. Maski ang mga basag na paso, basyong bote, biyak na goma, mga kanal na hindi umaagos ay tiyak na may tubig at ito ang pabo­ritong tirahan ng mga lamok. Mabilis mangitlog ang mga lamok kaya mabilis ang kanilang pag­dami. Mabagsik kung umatake na maaaring ika­matay ng kanilang biktima kapag hindi nadala sa ospital.

Sintomas ng pagkakaroon ng dengue ang lag­nat na tumatagal ng pitong araw, matinding pa­na­nakit ng katawan, pagsusuka, pananakit ng ulo at matin­ding panghihina. Kapag nakita ang mga na­banggit na sintomas, agad na dalhin sa ospital.

Ayon sa DOH, humigit-kumulang na 80 kaso na ng dengue ang naitala sa Quezon City lamang. Noong Biyernes, tatlong bata na may dengue ang iniulat na namatay sa Old Balara, Quezon City.

Ang mabisang panlaban sa mga lamok na may dengue ay ang pananatili ng kalinisan sa kapali­giran. Siguruhing wala silang titirahan. Wasakin ang anumang maaari nilang pangitlugan. Linisin ang mga hindi umaagos na kanal o estero. Alisin ang mga nakasabit na damit sa madidilim na ba­hagi o sulok ng bahay. Gumamit ng kulambo kapag matutulog. Huwag hayaang nakalantad ang mga natutulog na sanggol.

Simple lamang ang paraan para mapatay ang mga lamok na may dengue: Ugaliin ang paglilinis sa loob at sa labas ng bahay.

vuukle comment

AEDIS AEGYPTI

ALISIN

DEPARTMENT OF HEALTH

LAMOK

NOONG BIYERNES

OLD BALARA

PATULOY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with