^

PSN Opinyon

Trabaho kuno, taga-tinda pala ng produkto!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

Panahon ngayon ng krisis at bunsod nito, sanda­mak­mak ang nawalan ng trabaho at patuloy itong du­madami habang tumatagal ang taon.

Dito, hindi maikakailang desperado ang mga kaba­bayan nating Pilipino na magkaroon ng trabaho. Eto na­man ang oportunidad ng mga mapagsamantala para ikasa ang kanilang patibong upang makapambiktima.

May ilang daang libo rin kung susumahin ang mga nagtapos sa kolehiyo sa buong bansa sa taong ito. Du­magdag pa ito sa problemang mga nawalan ng trabaho dahil sa krisis sa bansa.

Kaya naman, mabentang-mabenta ngayon ang mga classified ads ng bawat diyaryo, mapa-malaki, maliit, si­kat at di-kilalang pahayagan, pinuputakti ng mga nag­hahanap ng trabaho

Dito, nagkalat ang mga mapanlinlang na kumpanya na ang modus ay magpakalat ng hiring advertisement sa mga classified ads ng maliliit at malalaking diyaryo.

Mga posisyong office staff kuno katulad ng Human Res­ ources o H.R at Administration Officer kunwari ang kanilang mga hinahanap subalit huli na para malaman   mong ikaw na ang pagkakakitaan ng mga kumpanyang ito.

Ang nakakatawa, may examination, may preliminary at final interview, meron ding orientation at training ang kanilang mga proseso.

Ang tunay na modus, pagtindahin ka ng kung anu-anong produktong wala namang tatak at hindi dumaan sa pagsusuri ng Department of Trade and Industry.

Ang kanila pa daw training sa mga aplikante, mai-benta ang nasabing produkto,saka lamang matatang-   gap ang mga aplikante sa nasabing kumpanya.

Para magkatrabaho, mga plikante na mismo ang bibili ng mga produktong nagkaka­ halaga ng apat na libo pa­baba.

Hanggang matapos ang dalawampung araw na training, wala na ang trabaho at allowances na ipinangako ng mga manlolokong kumpanya.

Pinag-iingat ng BITAG ang mga kababayan nating kasa­ lukuyang naghahanap ng trabaho. Umiwas sa mga kum­panyang nagpapanggap na naghahanap ng mga office staffs kuno.

Maging wais sa paghaha­nap ng trabaho at hanapbu­hay ngayong panahon ng krisis. Laging talo ang mga naloloko at kapag may opor­tu­­nidad, dumadami ang mga manloloko.


vuukle comment

ADMINISTRATION OFFICER

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DITO

ETO

HANGGANG

HUMAN RES

KAYA

SHY

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with