^

PSN Opinyon

Tambunting, makonsensiya kayo!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGULANTANG ang BITAG sa tawag na natanggap ko kahapon ng umaga. Ang nagrereklamong si Ruchel na dating empleyado ng Tambunting, inaresto sa bahay nito sa Tondo, Manila.

Sa gitna ng aking programang BITAG Live sa UNTV kahapon, nasa Manila Police District ang BITAG cor­respondent na si Willie Delgado upang alamin ang estado ng pag-aresto.

Ayon kay Maj. Rolando Balasabas, nakatanggap ang kanilang tanggapan nitong Abril 7 lamang ng Alias Warrant of Arrest laban kay Ruchel Gesta sa kasong tax evasion.

Sa katotohanan, may kaso ngang Run After Tax Evasion (RATE) si Ruchel na isinampa ng Bureau of Internal Revenue, Albay Bicol.

Ito ay dahil sa ginamit ng Tambunting management Holdings Inc. ang pangalan ni Ruchel bilang Presidente ng isa nilang pawnshop sa Albay, ang Galleon Pawnshop.

Ginawa siyang dummy ng kumpanyang Tambunting para linlangin ang gobyerno sa kanilang pananagutan kaya’t nitong nagkaproblema na, si Ruchel ang naka­suhan, siya rin ang nasa selda.

Naikulong na si Ruchel sa National Bureau of Investigation sa Maynila, Nobyembre nitong nakaraang taon. Dahil sa bisa ng dalawampung libong pisong piyansa, pansamantala siyang nakalaya.

Subalit, nakaiskedyul na sanang lumipad ngayong linggong ito ang BITAG upang samahan si Ruchel papun­tang Bicol, Albay, bumulaga naman ang nasabing pani­bagong pag-aresto.

Kumplikado ang legalidad ng kasong ito lalo na’t isang walang kamalay-malay na bik­tima ang patuloy na nag­durusa sa kawalanghiyaan ng iba.

Kayo sa Tambunting na hanggang sa ngayon ay patay-malisya sa isyung ito, kung may kaluluwa’t konsen­siya pa kayo, tulungan niyo ang dati niyong empleyadong si Ruchel.

Kung hindi sa katiwaliang ginawa ninyo, hindi magdu­rusa ang pobre. Kayo ang mag­piyansa sa kaniya na kasalu­kuyang nasa MPD ngayon.

Gayundin, nananawagan ang BITAG sa sinumang nais na tumulong sa kalagayan ni Ruchel at sa kanyang pansa­mantalang kalayaan, maki­pag-ugnayan sa mga nume­rong makikita sa ibaba ng kolum.

Hindi pa kami tapos, lalong nanggigigil ang BITAG na tugisin ang dapat managot sa problemang ito.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY BICOL

ALIAS WARRANT OF ARREST

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

GALLEON PAWNSHOP

HOLDINGS INC

MANILA POLICE DISTRICT

RUCHEL

SHY

TAMBUNTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with